Chapter 8
Hindi Pwede
"Gising na po mahal na prinsesa!"
I groaned when I heard Harper's voice trying to wake me up. Antok na antok pa ako pero nambubulabog na naman siya. Mabilinan nga si Mama na huwag nang papasukin ang asungot na 'to dito sa kwarto ko.
"Baby Ari, wake up na!"
Inis akong bumalikwas ng bangon at masama siyang tinignan. "Bakit ka ba kasi nambubulabog?! Ano na naman bang kailangan mo?!"
Nag-aayos siya ng basa niyang buhok sa harap ng salamin ko na nakadikit sa cabinet ko. Nakasuot ng gray na hoodie, itim na pantalon at converse na sapatos. Halatang-halata na pupunta na naman kung saan.
"Wow. Limot agad?" Naglakad siya palapit sa'kin at naupo sa paanan ng kama ko habang tila hindi makapaniwalang tinitignan ako. "Napakamakakalimutin mo rin talaga. Kakasabi ko lang noong isang araw."
Inirapan ko siya. "Pwede bang diretsuhin mo na lang?"
"Enrollment, Ari. Limot agad?"
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala nga ang sinabi niya sa'kin noong isang araw habang nanonood kami ng TV sa kanila. Patay na! Hindi ko pa nga pala nare-ready 'yong mga requirements ko! Hassle naman!
May mga sinasabi pa siya pero nagmamadali na akong tumakbo papasok ng banyo para makaligo at mahimasmasan dahil maghahanap pa ako ng mga requirements ko. Nagbabanlaw na ako nang marinig kong nag-uusap sila ni Mama sa kusina.
"SPG, Ari!" sigaw nang pumikit pang si Harper.
Napairap na lang ako sa pagiging over-acting niya habang si Mama naman ay natawa na lang. Sanay na akong humaharap sa kanya kahit na tuwalya lang ang nakapulupot sa katawan ko. Wala namang bago doon pero masyado lang talaga siyang madrama at OA. 'E noong mga bata pa nga kami ay nakikita namin ang isa't isa na naka-panty at brief lang habang naliligo sa ulan!
Tsaka makikita at makikita niya talaga ako dahil kaharap lang ng banyo ang kusina kung nasaan sila kumakain ng pandesal at umiinom ng kape.
"Bilisan mo, 'nak," si Mama. "Para maaga rin kayong matapos."
Nagsuot lang ako ng plain na puting t-shirt at pantalon. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang buhok kong lagpas ng kaunti sa balikat dahil basa pa naman. Pagkatapos mag-lotion ay lumabas na ako ng kwarto.
Dumampot ako ng isang pandesal at isinawsaw iyon sa kapeng nakahanda para sa'kin. "Ano nga ulit 'yong mga requirements?"
"Long brown envelope, report card, apat na two by two pictures at dalawang one by one."
Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ko alam kung saan ko nalagay 'yong card ko!"
Kung bakit ba naman kasi napaka-iresponsable ko rin minsan! Kung saan-saan ko nilalagay ang mga gamit na dapat tinatago ng mabuti.
"Ito na, 'nak," nakangiting pag-abot sa'kin ni Mama ng isang brown envelope. "Nandiyan na lahat ng kailangan mo."
I sighed in relief and kissed my mother. "Thanks, Ma."
Mother really knows best indeed! Chi-neck ko ang laman ng envelope at lahat na nga naman ng kailangan ko ay nandoon na. Kaya mahal na mahal ko si Mama!
"Ako? Wala ba akong kiss?" nguso ni Harper. "Ako ang nag-remind kay tita tungkol sa mga kailangan mo."
Inismiran ko na lang siya para ipagpatuloy ang pagnguya ko sa tinapay at nang makaalis na kami. Paniguradong mahaba pa naman ang magiging pila dahil ito ang unang araw ng enrollment at pinagsabay-sabay pa ng mga admins lahat ng grade level mula grade seven hanggang grade twelve.