Chapter 6

14 1 0
                                    

Chapter 6

Hindi

Hindi ko pinansin si Harper nang lumapit ulit siya sa'kin. Panay siya dada habang nakapila kami sa counter pero hindi naman ako nakikinig.

Psh. Mawalan sana siya ng boses.

Plinano kong hindi talaga siya pansinin o tignan man lang buong araw o kung posible ay hanggang sa mga susunod pang araw. Nakakainit lang kasi ng ulo na kakabuo niya lang ng deal namin na siya rin naman ang naglatag. Tapos gan'on ang mangyayari. Parang wala tuloy siyang isang salita.

Kaya nga lang... mag-bestfriend kami. At ibig sabihin ay nabasa niya kaagad ako.

"Come on, Ari. What's wrong?"

What's wrong mo mukha mo! Pa-english english ka pa nasa Pilipinas naman tayo. Palibhasa talaga at rich kid ka!

Inilapag niya sa lupa ang pinamili namin na nakalagay sa brown paper bag. Mas lalo siyang lumapit sa'kin at nakangusong hinawakan ang baba ko para piliting tumingin sa kanya.

But because I am Zaria Alcantara, a very stubborn girl, I didn't do what he wanted me to. Nanatili sa likod niya ang mga mata ko kung saan nakikita ko ang iilang schoolmate namin na masayang magkakasabay na naglalakad.

"Baby Ari, look at handsome Harper."

Halos mapairap ako nang lantaran dahil sa pang-bi-baby talk niya. As if naman baby ako!

Ngumuso siya at hinarang ang line of vision ko. "Ari?"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ko na rin naman kayang hindi siya pansinin. Ewan ko ba at bakit pagdating sa lalaking ito ay ang bilis kong sumuko. Parang siya ang kahinaan ko.

He smiled, still holding my chin up. "So... tell me, what's wrong with you, baby Ari?"

Hinampas ko siya sa dibdib. "Baby mo mukha mo!"

I quickly freed myself from his grasp. Pinulot ko mula sa lupa ang paperbag na naglalaman ng pinamili namin at nagsimulang maglakad palayo sa mini-grocery. Narinig ko naman ang mabilis niyang pagkuha sa bisekleta niya at ilang segundo nga lang ay nasa tabi ko na siya. Hawak niya ang bisekleta sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay niya naman ay iniakbay niya sa'kin.

Gusto ko iyong tabigin pero hindi ko magamit ang mga kamay ko dahil yakap ko ang buong paperbag na medyo may kabigatan. Litro-litrong bote rin kasi ang laman nito at isa lang naman akong tipikal na babaeng hindi kalakasan.

"Uy. Galit ka?"

Tinignan ko siya at inirapan.

Humalakhak siya sa ginawa ko at mas lalo pa akong inakbayan para mapalapit sa kanya. "Ano ba kasing kasalanan ko, baby Ari? May gusto ka ba na hindi ko nabili? Do you want something? Just tell me and I'll go back to buy it for you."

Hindi ko na napigilan ay iningusan ko na siya. "Anong akala mo sa'kin bata? Na hindi binilhan ng nanay ng kung anong gusto? At ngayon ay nagtatampururot? Ha?!"

Ngumuso siya, halatang pinipigilan ang tumawa dahil sa inis ko sa kanya ngayon. "Kinda. Baby naman kasi talaga kita."

I just rolled my eyes again at him.

Medyo nacu-curious ako kung anong mangyayari sakaling mabaliktad ang sitwasyon naming dalawa. What will happen kaya if siya naman ang galit o nagtatampo at ako naman ang manunuyo. Mahihirapan ba akong suyuin siya kung sakali? I really don't have an idea on what will happen. Siguro dahil na rin hindi iyon nangyari kahit kailan.

Lagi naman kasing siya ang nanunuyo sa aming dalawa. Kahit na madalas ako lang din naman ang may kasalanan ay siya pa rin ang nagso-sorry at nanunuyo. Kaya hindi ko rin maiwasang isipin minsan na ang swerte ko talaga sa kanya at mas magiging masuwerte pa ang babaeng mamahalin niya in the future.

Don't Stay AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon