Chapter 11
Maria Veronica
Bukas na ang mga classroom nang dumating kami sa building namin. Inihatid niya lang ako sa harap ng classroom ko at dumiretso na rin siya sa kanya na malapit lang din sa'kin. Kaunti pa lang ang mga ka-klase ko kaya naman ay nagkaroon pa ako ng pagkakataon na mamili ng upuan.
I choose one of the seats in the middle row dahil doon ang maraming bakante kumpara sa unahan at likuran. I smiled at some familiar faces. Karamihan sa kanila ay kilala ko sa mukha kahit papaano pero hindi ko naman alam ang mga pangalan. Ang iba naman ay naging ka-klase ko na sa junior year pero hindi ko close.
Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro na binigay sa'kin ni Harper noon. Kaya naman ay namalayan ko na lang na puno na ng mga kapwa ko estudyante ang buong classroom at maya-maya pa nga'y dumating na ang adviser namin.
We did the usual first day scenario such as introduce yourself. Hindi na rin mawawala ang pinapagawa ng lecturer sa papel na pagsusulat ng mga expectations. Mainly expectation sa subject, sa teacher, at maging sa mga blockmates. At siyempre ang tanong na "why did you choose this strand?"
"Ate," kalabit sa'kin ng katabi kong babae.
Hindi nga lang masyadong halatang babae siya dahil sa magulo niyang buhok na halatang basta lang itinali, malaking t-shirt, maluwag na pantalon, high-cut na sapatos at idagdag pa ang headset na nakasabit sa batok niya. May itim na hikaw na mukhang magnet at silver na kwintas na may pendant na letter V. She reminds me of hip-hop and gangsters.
"Bakit?"
I've been studying here in this school for the past four years of my junior high. At sa apat na taon na nagdaan ay hindi ko nakita ang mukha niya ni minsan. Hindi naman malaki ang school namin para hindi ko siya makilala.
Inginuso niya ang one-half crosswise na sinusulatan ko. "Pahingi naman po ng papel."
Napailing ako sa isip ko. First day na first day wala siyang papel?
Pero hindi ko na iyon kinuwestiyon pa at mabilis na lang siyang binigyan na sinuklian niya ng ngiti at isang thank you.
I was bored the whole first two periods. Kaya naman ay talagang masyado akong na-excite na dumating ang break time. Kaso nga lang, nang dumating naman iyon ay simangot na naman ako.
Magkasabay kasing lumabas ng classroom nila ang nagtatawanang sina Harper at Pamela. Ni hindi pa nga napansin kaagad ni Harper na nakatayo ako sa ikalawang pinto ng classroom namin. Nang makita ako ay bigla siyang sumeryoso at nagpaalam kay Pamela na peke namang ngumiti sa'kin nang matanaw ako.
"Ari..."
Tinaasan ko ng kilay ang kaibigan kong nakatayo sa harap ko. "Bakit? May kailangan ka?"
Siguro nga ang sama ko talaga para tarayan siya dahil kung tutuusin ay wala naman siyang ginagawang masama. Nakikipag-usap lang naman siya at wala namang mali doon, 'di ba?
Pero ewan ko ba't hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng kung ano-ano. Kasi posible naman talagang pormohan ni Harper si Pamela. At ang isiping tama ang hinala ko ay nakakabuhay ng galit sa kaloob-looban ko. Dahil nangangahulugan lamang iyon na hindi tumutupad sa usapan namin ang kaibigan ko.
And not sticking to your words means you're not good enough to rely on and to be trusted.
"Hindi ba nangako tayong dalawang magkikita-"
Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin niya nang sumulpot sa tabi niya si Maria Veronica, ang boyish kong seatmate.
"Hi, Zaria! Pwede ba akong sumabay sayo ngayong break?"