Preamble

265 3 2
                                    

Preamble

Harper

Nakasimangot kong sinalubong ang lalaking ngayon ay nakangisi na naman sa'kin sa gitna ng dagat ng mga kapwa ko estudyante. Hindi ko rin talaga maintindihan minsan kung saan nanggagaling ang optimism niya. Kahit na anong delubyo pa ata ang maranasan niya ay mananatili pa rin siyang masaya. Hindi katulad ko na palaging miserable.

"Oh, bakit ganyan ang itsura mo?"

Inirapan ko siya at mas lalo lang napanguso. "Hindi ako sigurado kung maipapasa ko ba 'yong exam."

Hapon na at uwian na ang lahat kaya naman nagkalat ang mga estudyante sa buong corridor. Ngayong araw ang ikalawa at huling araw ng periodical exam namin. Kanina pa siyang umaga tapos sa exam niya pero talagang inantay niya pa ako ngayong hapon.

Ginulo niya ang buhok ko at kaagad na inagaw sa'kin ang bag ko at iilang dalang libro. "Think positive, Ari." Inakbayan niya ako. "Tara?"

"Saan na naman tayo pupunta?" tanong ko, ngayon ay salubong na ang kilay.

He's my been my best friend since five but until now I can't seem to read him. Kung gaano ako kadaling basahin gan'on naman siya kahirap. Hindi ko na nga alam minsan kung ang pinapakita niya ba sa'kin ay ang totoong siya. He's just too good to be true... most of the time. Hindi kapani-paniwalang nag-e-exist pa ang isang katulad siya. Almost dreamlike. Almost fictional.

"Sa public library," tugon niya. "Saan pa nga ba?"

Nagkibit balikat ako. "Malay ko ba kung baka ibang lugar na naman ang iniisip mo."

Minsan din kasi ay tinatamaan siya ng sapak sa utak. Ayain ba naman ako isang hapon sa ospital para doon mamasyal. Wala kaming ginawa doon o binisita. Talagang hinila-hila niya lang ako paikot sa ospital. Tapos bigla ba namang mawala at iwanan ako doon sa hallway na may upuan kaharap ng nurse's station at ibinilin pa ako sa isang nurse na parang isang bata. At hindi pa nakontento ay ilang beses pa akong ininis habang nasa elevator sa pamamagitan ng pagkwe-kwento ng kung ano-anong may kinalaman sa mga multo.

Napapaisip na lang din tuloy ako minsan kung paano ko siya natagalan ng labing-isang taon.

"Tapos mo na ba iyong sinusulat mong script?"

Naglalakad kami pareho sa mahabang aisle ng pampublikong library ngunit may isang shelf na nakapagitna sa amin. Nasa fiction section ako habang nasa geography naman siya.

Kinuha ko ang isang pamilyar na libro. Hinugot ko iyon at sinuri. Sikat ito ngayon at recommended ng maraming book vloggers sa internet. "Nope. Wala pa akong inspiration."

Sinilip niya ako sa maliit na espasyo sa ibabaw ng mga libro. "Hindi pa ba ako sapat bilang inspiration mo?" Sumimangot siya. "Magtatampo na ba ako?"

Tumawa ako at napailing na lang sa pagiging mababaw niya. "Ewan ko sayo, Harper.'' Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumabay siya. ''And just so you know, hindi naman katulad mo ang bidang lalaki doon. He's more of a badboy and you're not."

Bigla siyang sumulpot sa harap ko dahil iyon na ang hangganan ng shelf. Pinadaanan niya ng mga daliri ang kanyang buhok na bumalik din naman sa pagiging magulo. "Gusto mo bang maging badboy ako para sayo?"

Humalakhak ako, sumandal sa shelf at nakangiting umiling sa kanya. "I like you as you. Besides..." I shrugged some thoughts away. "Besides hindi naman bagay sayo maging badboy."

Namaywang siya sa harapan ko at humawak sa kaliwang parte ng shelf kung saan ako nakahilig. "Bakit ba gustong-gusto niyong mga babae ang mga badboy? Ano bang meron sa kanila na wala sa aming mga good? Ha?"

Dinala ko ang libro sa dibdib ko at yinakap iyon, pinipigilan ang nagbabadyang malaking ngiti. "Because badboys are hot. 'Yong tipo ba na tingin niya pa lang matutunaw ka na. 'Yong ikaw lang ang nakakapagpatino sa kanya at sa'yo lang siya malambing, gan'on. Tsaka sila kasi 'yong tipo na...'' I bit my lip with some disturbing images popping in my head, ''... wild and makalaglag panty.''

Pinanliitan niya ako ng mga mata. ''Aba, Ari, ha. Masyadong mature ka na ata mag-isip. Isusumbong kita kay Tita Rianne.''

Natatawang sinapak ko siya sa dibdib gamit ang librong hawak ko. "Subukan mo, Harper. Malilintikan ka sa'kin."

"Kahit anong sabihin mo, isusumbong pa rin kita. Badboy na wild at makalaglag panty pala, ha.''

"Hoy, Harper Esquivel! Subukan mo talaga at malilintikan ka!" banta ko na medyo nababahala na baka gawin niya nga.

Bukod s amalakas talaga ang sapak niya ay talagang sinasabi niya kay mama lahat ng ''inappopriate'' na mga iniisip at ginagawa ko. Ayaw niya daw kasi na nalalason ang utak ko. At ano na lang ang magiging reaksiyon sa'kin ni Mama kapag nalaman niya? Akala niya pa naman napakabait at napaka-inosente ko!

Umiling siya at ipinakita sa'kin ang isang daliri na para bang sinasabing lagot ako bago tumakbo palayo.

Sinundan ko siya at nakitang pinulot niya na ang mga gamit naming dalawa. Mabilis naman akong dumiretso sa librarian na napailing na lang sa aming dalawa ni Harper. Madalas din kasi kaming dalawa dito at medyo close kami sa kanya.

"Pakibilisan naman po, ate. Please," paki-usap ko habang inaantay na ma-i-record niya ang libro at ang malagyan ng stamp ang library card ko.

"Kahit kailan talaga kayong dalawa," nailing na saad ni Ate Cora. Mabilisan niya iyong nilagyan ng stamp. "O siya, gora."

Hindi niya pa iyon na-re-record pero hindi na ako nag-abalang ipaalala pa sa kanya dahil abala na ang isip ko sa paghabol kay Harper na paniguradong nakalayo-layo na. Kahit naman na alam kong hindi talaga niya ako magagawang iwan ay hahabulin ko siya.

Mabilis ang naging takbo ko palabas ng public library. Hindi kalayuan ay kitang-kita ko ang nakangising kaibigan ko. Nasa gilid na siya ng kalsada at parang mapang-asar pa akong inaantay dahil alam niyang mabagal ako tumakbo.

"Harper!"

"Habulin mo muna ako!" sigaw niya at nakangising tumalikod sa'kin para tumawid.

I tried to run after him but my feet got stuck on the ground when I saw a fast moving ambulance just a few distance away from him. Everything else seem to move into a slow motion. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso ko na tila ba nasa mismong tainga ko na dahilan ng pagkabingi ko. Mabilis ang pagpapalit ng kulay ng ilaw ng ambulansya pero hindi ko marinig ang sirena nito.

Gustong-gusto kong tumakbo papunta sa kanya at itulak siya palayo sa nagmamadaling ambulansya pero hindi ko magawang maigalaw ang mga paa ko. The vehicle is now just a few steps from him and the only thing I managed to do before he disappeared from my vision is to scream his name.

"HARPER!"

Don't Stay AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon