5

4.7K 117 5
                                    

Bumangon ako at dahan dahang lumabas ng kwarto. Medyo naging maayos na din ang pakiramdam ko pero still, kailangan ko pa din magpahinga para mas lalo talaga akong gumaling. Agad kong nahagip si Mama na papunta din sana ng kwarto ko. Kita ko ang pagkabigla niya at pag aalala. Hinintay ko ang paglapit niya sabay bati sa kanya.

"Good morning, Ma." Mahina kong bati habang inosenteng nakatingin lang sa kanya.

"Ayos kana ba, nak? Sorry 'di man lang kita naalagaan kahapon, ako kase yung pinabantay muna ng kuya mo sa company. So, kamusta ka naman?" pag aalala niyang tanong sabay tingin sakin ng maayos.

"Medyo maayos na po ako. Naiintindihan naman po kita, Ma. Ang importante, maayos na'ko at makakabalik na ulit tayo sa dati." Sa 'di masabing dahilan bigla kong nilibot ang paningin ko baka sakaling makita si Liam.

"Tama ka. Are you hungry? Let's eat."

"Uhm, si Liam po?" tanong ko dahilan para matigilan si Mama.

"Wala na siya. Maaga siyang umalis para asikasuhin ang company. Bat mo naman hinahanap yun? I think, hindi kayo okay nun, diba?"

"H-Hindi nga po. Natanong ko lang naman."

"If I were you, makipag close kana kay Liam. Besides, he's your brother. Make time with him and try to socialize with him too. Siguro sa ganong paraan, makakalimutan niyo ang mga nangyari ng nakaraan niyo." natahimik lang ako habang sinasabi ni Mama ang mga katagang yun.

Oras na ba para patawarin ko si Liam? I mean, oras na ba para kalimutan ko lahat ng mga kalokohan na pinanggagawa niya sakin noon? Pero, hindi kase madali. Pero yung Liam na nakasama ko kahapon, ibang iba sa Liam na nakilala ko noon. It looks like a new version of him. He take good care and worried for me so much. Ramdam ko na seryoso ang lahat ng ginawa niya sakin kahapon. Dagdag mo pa yung hug na ginawa niya at sa breakfast ngayong araw.  Looks weird but, it hits different. Napalunok ako sa posisyon namin kagabi. Totoo ba talagang niyakap niya ko kagabi? Dagdag pa yung panaginip ko na may humalik sa noo ko. O sadyang paranoid na talaga ako? Damn!

"Hey, nakikinig kapa ba?" rinig kong tawag sakin ni Mama dahilan para bumalik ako sa katinuan ko.

"Opo. Pero pag iisipan ko po muna yang sinabi mo, Ma. By the way, kain na po kayo." sagot ko pero biglang tumunog ang phone niya dahilan para agad niya itong sagutin.

"Hello. What? Can you repeat it again? Is this real? Fine. I'll be there. Yes. Just wait for me. Okay? Bye." rinig kong  sagot ni Mama at kita ko ang pag iba ng awra nito.

"May problema po ba?" takang tanong ko sabay tingin ng diretso sa kanya.

"May problema ang company natin. Nawala ang halos 1.5 million na pundo ng company natin. Kailangan ko na munang umalis. Magpahinga kana muna dun, okay?" paalam ni Mama at tumalikod na.

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagsalita man lang. Seryoso ba talaga? 1.5 million ang nawala sa LT Shoe Corporation? God! Sobrang malaking pera yun at alam kong pinaghirapan yun ng lahat.  Sino kayang gumawa nito? Sana magkaroon agad ito ng solusyon. May tiwala ako kay Mama at maging kay Liam. Alam kong gagawa sila ng paraan para maayos to. Damn! Bat kase wala man lang ako maitulong dun? Bat kase wala akong kaalam alam sa mga ganong bagay? I hate myself!

Lumipas ang kalahating araw, 'ni hindi nakabalik si Mama o si Liam sa bahay. Medyo nababagot na din ako pero wala rin naman akong magagawa.  Baka makadagdag lang ako sa problema nila pag pumunta ako dun. Kaya, pinabuti kong manatili na lang dito at maghintay sa posibleng mangyari.  Biglang tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag. Agad kong kinuha yun tsaka sinagot.  I expect for something but it's just Monica. Nag isip ako kung bat siya napatawag.

Temptation Series #2: Liam Trinidad [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon