Epilogue

3.2K 55 10
                                    

Siya ang nagturo sa'kin kung paano magmahal. Siya ang nagturo kung paano baguhin ang sarili ko. Siya ang dahilan kung bat ako nagiging malakas at nagiging matatag. Siya ang buhay ko. Siya ang pahinga ko. Siya ang bumuo ng pagkatao ko. Siya ang babaeng masisigurado kong gusto kong makasama habang buhay.

There's a girl here --- named Yuri Celestine Perez. She made me realize how powerful and magical the word 'believe'. She made me realize that impossible things tend to be possible. She made me realize that loving someone recreate the past. And now, I'm tamed. I'm obsessed. I'm tempted. I'm madly in love with her.

***

Nagsimula ang lahat sa isang ordinaryong araw.

I'm not in the mood right now. Kasalukuyan akong nakatayo at nakatingin sa kawalan. Iniisip ko kung sigurado na ba ako sa pagdodoktor o mag-manage na lang ng kompanya o di kaya'y kumuha ng course related into business. But I want to be a doctor someday. Iyon ang nais ko, kaya dun ako.

At may isa pa akong pinoproblema sa ngayon. Si Daddy.. ipapakilala na niya ang bagong babaeng iniibig niya. Yeah. My mom is now died. Kami na lang ni Dad ang magkasama rito. At matagal niya na din nasabi sakin 'to, na mayroon siyang nagugustuhang babae. I'm against before. Hindi madali sa'kin na kalimutan na lang ng ganon si Mom. Pero kinausapan niya ako ng maigi, na tanggapin ito ket papaano. He tried to begged and convinced me. I don't know kung ano pang masasabi ko.

"Anak.." may biglang nagsalita sa likuran ko. Si Dad iyon.

Lumingon ako at inantay ang susunod niyang sasabihin.

"I need to tell you something. May bisita tayo ngayon. Actually, bukas sana ang punta nila rito. Pero pinaadvance ko na lang." he explained.

"Sino?" tipid kong sagot.

"Your Tita Katherine."

I stared at him seriously. I know that name. Katherine Perez, ang babaeng karelasyon niya sa ngayon.

"Bakit biglaan ata? Bakit ngayon niyo lang sinabi, Dad?

"I'm sorry. Excited na din akong ipakilala siya sayo personally. Kaya mas pinaaga ko na lang. Sana maintindihan mo, anak."

Hinawakan niya ako sa balikat. Kahit anong react ko, wala rin naman maipapala pa. So, I better shut up my fucking mouth right now. Hindi na lang ako nagsalita at iritadong tumingin sa kawalan ulit. Hindi na rin ako kinulit pa ni Dad.

"Be nice, okay? Dalawa pala silang dadating rito. Sana maging mabait ka din sa kasama ni Tita Katherine mo." rinig kong saad ni Dad sa 'di kalayuan.

Hindi ako lumingon. Hindi ako kumibo. Nanatili lang ako roon at nag isip ng kung ano ano. Kaya ko kayang tanggapin ang babaeng magiging parte ng buhay namin ni Dad? Should I call her Mom, too? No. Hindi ko magagawa 'yon. Tanging si Mommy lang at wala ng iba pa.

Lumipas ang mga oras... hindi ako umalis sa bahay dahil nga dadating daw itong si Katherine. Naiinip nako at parang gusto ko na lang matulog sa kakaantay.

"Prepare yourself. Andyan na sila." biglang sabi ni Dad sa'kin. Tinignan ko lang siya gamit ang seryoso kong mga mata.

Nakaupo ako rito sa sofa at pinuntahan na ni Dad sa pintuan ang bisita nito. Nakakaramdam na talaga ako ng pagkainip at pag iirita.

Temptation Series #2: Liam Trinidad [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon