I tried to recover myself from what happened earlier. Inayos ko ang mukha ko at maging ang sarili ko. Sinunod ko ang sinabi ni Liam sakin na magpalit ng ibang damit. Masyado na ata akong natagalan sa pagbalik dun sa party. I think, hinahanap nako nina Mama at maging ang tatlo. Mahigit isang oras nako dito sa loob at ngayon buong sarili na kong lalabas at haharap ulit sa maraming tao. I guess, sakin na naman mapupunta ang atensyon nila.
I just wear, white dress and paired it with my high heels. Bahala na kung pagalitan ako mamaya ni Mama dahil sa pagpalit ko ng damit na binigay niya.. I just want to be comfortable too. Masyado ng kita ang kalahati ng pagkatao ko dahil sa damit na yun. Damn! I closed the door and took a deep breath before I proceed to our table. Kita ko ang pagtingin ng tatlo sakin pero kusang naghanap ang mga mata ko sa lalaking umangkin ng labi ko kanina. Then, I find him. He's having a conversation with my Mom's friend. Nakatalikod siya kaya hindi niya ko makikita habang tinitignan siya ng palihim. And of course, laki din ng pasasalamat ko dahil nakatalikod rin si Mama at nakikipag kwentuhan din. Most of the guests are eating their foods. Ang iba naman ay busy rin sa pag uusap at ang iba ay umiinom ng drinks na inihanda namin. When I reached our table, I tried to act normally in front of the three.
"Anyare sa'yo? May pa cr lang ako, tapos halos one hour bago makabalik? Ano yun?" ani Francheska ng makaupo ako ng maayos. I knew it! Magtatanong sila syempre.
"Baka kase sumakit yung tyan ni Yuri kaya natagalan siyang bumalik rito." singgit naman ni Loisa. Sa aming lahat, siya yung tipong inosente lang tsaka mabait. Parang walang pake sa mga nangyayari sa paligid. The only thing I hate sometimes is her parents. Especially her mom.
"Medyo sumakit nga yung tyan ko kaya natagalan ako. Nagpahinga muna ako sa kwarto tsaka nagpalit na din para mas maging komportable ako." pagsisinungaling ko.
"Baka kase may nangyaring iba? Nawala din si Liam pagkatapos ng pagyakap ko sa kanya." Ani Monica dahilan para tignan ko siya ng seryoso.
"So, what are you trying to say?" sagot ko sa kanya.
"Baka kase may nangyaring kababalaghan sa taas na hindi man lang namin alam." direkta niyang sagot dahilan para mainis ako.
"Really? Ganon kana ba mag isip ngayon, Monica? So, you're pointing out na..." agad niya kong pinutol dahilan para 'di ko matapos ang sasabihin ko.
"Joke lang." singgit niya sabay halakhak. "Why so serious, Yuri? Biro lang yung sinabi ko. I know, you and Liam are hated each other.. I know 'di kayo hahantong sa ganon. Then, magkapatid din kayo, so, hinding hindi yun mangyayari. But look at you, you're serious." dagdag pa niya.
Napailing ako. Why she acted so weird? At bakit parang nakakaramdam ako ng inis kay Monica? Ngayon lang ako nagkakaganito. 'Ni hindi pa ko nainis o nagalit sa kanila simula pa noon. But now, why?
"Kain na lang tayo." pag iiba ko at 'di na muna nilingon si Monica.
"We're done. Pero ikaw, kailangan mong kumain. Siguro dessert na lang yung amin." sagot ni Francheska sakin.
Tumango naman ako bilang sagot. Nauna silang tumayo ni Loisa para kumuha ng dessert. Naiwan kami ni Monica dahilan para tumahimik na lang muna ako.
"Hey.. nagalit kaba sakin Yuri?" tanong niya dahilan para gantihan ko ulit siya ng tingin.
Hindi ako sumagot pero alam kong naghihintay siya.
"Uy. Sorry. It's just a joke. Sorry for that, Yuri. Ito naman, ang seryoso mo. Chill. I know, hindi mo naman magagawa yun. I know you." Wika pa niya.
"But next time, wag mo ng ulitin pa yun." Tipid kong sagot.
"I promise. Sorry ulit. Sige. Kain ka muna dyan. Hanap muna ako ng masarap na iinumin."
BINABASA MO ANG
Temptation Series #2: Liam Trinidad [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #2 Unedited | Completed Liam Trinidad, a doctor and CEO. Not just a typical man. He's cold, serious and bipolar. A man who never expect to fall in love to his step sister. Ginawa niya ang lahat para malusaw ang nagbungang pagmamaha...