I was so upset that time. Ni hindi ako makatulog buong gabing yun dahil sa mga nangyari. Inaalala lang ng isipan ko ang buong sinabi ni Mama. How could I abort my own twins? How could I let that stupid things happen? Letting my own child, died? No way!
Sa pagkakataong 'to, hindi nako natutuwa sa mga pinagsasabi at mga desisyon ni Mama. Masyado na siyang nagbago. Hindi ko alam kong saan niya hinuhugot ang mga katagang yun? Sarili niyang apo, ipapalaglag niya? Naiisip ba niya yun?
Buong gabi akong umiyak sa loob ng kwarto ko. Ni hindi nako nag abalang lumakas o kumain man lang dahil wala din naman akong gana pa. Nakailang text at missed calls na din si Liam sakin, pero binalewala ko lahat. Hindi ko intensyong gawin yun, pero hinang hina ako.
Kinaumagahan.
Nakatulog ako kahit papaano. Pero gusto ko lang humiga at pumikit lang. Tahimik at mapayapang sulok na tanging ako lang ang naririto. This is what I really want to.
Ngunit, may kakaiba. Bigla akong nakaramdam ng isang halik sa noo ko. Nananaginip pa ba ko? I guess, gising na kaluluwa ko sa mga oras na 'to. This one is real!
Sunod ay ang paghawi sa ilang hibla sa buhok ko. Damn it!
"How could you sleep that way? I mean, bat ang ganda mo pa rin habang tulog?" mahinang saad.
I guess, I'm not dreaming or even hallucinating. Nakakatamad pero pinilit kong buksan ang mga mata ko. Unti unti kong nakita si Liam sa tabi ng kama ko habang tinititigan akong mabuti. Napalunok ako dahil sa hiyang naramdaman ko.
Forehead kisses and those sweetest words coming from him. Nanggaling lang naman sa lalaking makakapaggaan ng buong pakiramdam ko. Thank God for letting us inlove with each other. Hindi ako nagsisisi.
"Good morning." he said calmly.
"G-Good morning." sagot ko.
"Nagising ba kita? Sorry. Pero 'di ko talaga mapigilan na 'wag kang hawakan o makapagsalita man lang. Para akong sinasaksak ng katawan mong mahimbing na natutulog." aniya. Ganon pa din ang posisyon namin. Nakahiga ako at nakaupo siya sa tabi ko habang nasa buhok ko ang ilang daliri nito.
"Hindi. Gising na din naman ako. Wala ka bang trabaho ngayon? Anong oras na ba?" tanong ko at agad hinanap ang phone ko sa gilid.
"Mag 8 am na ata. Hindi nako papasok muna. I'm worried. Ni hindi mo pinansin lahat ng texts at calls ko sayo kagabi. What happened?"
Natigilan ako. Kailangan ko pa bang sabihin yun sa kanya? Pag sinabi ko ang tungkol roon, malaman niya na din na magkakaroon kami ng anak. Useless din ang plano kong isuprise siya. Sabado na din ngayon, bukas yung plano kong sabihin ang tungkol sa good news. Bukas ko na lang sasabihin lahat sa kanya. This time, siguro ang tanging magagawa ko lang ay, magsinungaling ulit sa kanya. Hindi man iyon maganda pero heto lang ang kaya kong gawin sa ngayon.
"May nangyari ba?" tanong niya ulit.
Umiling ako. "Wala naman. Maaga lang talaga akong nakatulog kagabi kaya 'di ko na napansin yung messages at calls mo." pagsisinungaling ko.
"Totoo ba? Ni hindi ka man lang nakakain ng dinner kagabi. Hindi okay sakin yun."
"Sorry. Babawi na lang ako ng breakfast."
"Dapat lang. Napagluto na kita roon. Dapat ay ubusin mo lahat ng yun. I know your hungry."
"Sige. Tara na sa baba." pag aaya ko sabay tayo na sa higaan ko.
Pumasok muna ako sa loob ng banyo upang makapaghilamos at mag mouthwash. Tinali din ang katamtamang habang buhok ko para walang sagabal pag kumain nako. Lumabas ako ng banyo at nadatnan ang lalaki na naghihintay na saken.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #2: Liam Trinidad [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #2 Unedited | Completed Liam Trinidad, a doctor and CEO. Not just a typical man. He's cold, serious and bipolar. A man who never expect to fall in love to his step sister. Ginawa niya ang lahat para malusaw ang nagbungang pagmamaha...