After 30 minutes, everything was settled. Foods, guests, drinks and more. Our guests only revolves to our employees, staffs, event organizers, my friends and of course mom's friends too. I already saw my friends earlier, but I need to go back in my room for certain matters.
"Suotin mo yan. Binili ko yan kasabay nung kay Liam. Kaya suotin mo yan." ani Mama ng makapasok kami sa kwarto ko.
Yeah. May hawak hawak siyang white backless dress and I don't expect na para pala yun sakin. But, why do I have to wear this one? Bakit kailangan ganito? I think masyadong revealing nito? And I think, hindi ako komportable sa ganito. Napatingin ako sa sarili ko. Siguro naman okay na 'tong suot ko ngayon. Isang simple white dress. Makakagalaw pako ng maayos nito kesa sa ganito.
"Ma, ayoko nyan. Okay nako sa suot ko ngayon." Sagot ko. Pero kusa niyang kinuha ulit ito at pinilit hubarin ang kasalukuyan kong damit. God! Ayoko nga nun.
"Wala na tayong oras para sa pag aayaw mo, Yuri. Just wear this one. Dahil ilang minuto na lang nandito na ang kuya mo. Hurry up."
Napailing ako ng ilang beses pero wala. Nanaig pa din si Mama sa huli. She's wearing her winning smile ng makita niya kong suot suot ang damit na galing sa kanya. Nilagyan niya ko ng kunting lipstick pa para mas lalong pumula yung manipis kong labi. Inayos niya din ang buhok ko tsaka sinuri ang kabuuan ko. Again, she smiled at me. Pero ako 'tong ayaw ng lumabas dahil ayokong makita ang magiging reaksyon ng mga tao sakin.
I tried to look myself in front of the mirror. At halos matigilan ako dahil expose na expose na pala ang likuran ko. Pero bilib ako sa naging hubog ng katawan ko. Kitang kita ang kurba ng katawan ko dahil sa damit na 'to at masyadong expose din ang cleavage ko. God! Is this right? I mean, ayoko na sakin mapunta ang atensyon ng tao mamaya. Pero bigla akong natigilan ng bigla kong naalala si Liam. Kinabahan ako dahil makikita niya ko sa ganitong sitwasyon. Damn! Pero wala na kong magagawa pa. Bahala na kong magpakain sa lupa mamaya dahil sa kaba at hiya. Hays!
Bumaba na kami ni Mama dahilan para tignan kami ng mga guests. Nailang ako dahil dun kaya hindi ko sila sinuklian maging isang tingin lang. Nakipag usap si Mama sa isang organizer dahilan para lumapit ako sa tatlo. Kita ko ang gulat sa mga reaksyon nila kaya tinatagan ko na lang ang sarili ko.
"Wow! Ang sexy mo, Yuri." compliment sakin ni Loisa and she's wearing yellow dress.
"Hindi man lang tayo na inform na magpapalit pala. Nice. Nakakapanibago ka naman, Yuri." saad din ni Francheska and she's wearing a black dress na sobrang tight sa kanya dahilan para makita ang hubog ng katawan nito.
"I think, may nanalo na. Diba sabi mo bawal yung masyadong revealing dito? Pero, nevermind." nakangising sabi ni Monica and she's wearing a red tube dress.
"Napilitan lang din ako. Kasalanan 'to ni Mama eh." Giit ko.
They laughed at me but I ignored it. Medyo mas lalong na kong kinakabahan dahil maya maya ay nandyan na si Liam. And I don't know what's his reaction about this surprise party.
Biglang natigilan ang lahat ng may biglang sumigaw galing sa pintuan.
"Paparating na po si Mr. Valente!" sigaw ng isang empleyado namin na naka assign o nagbabantay sa pagdating ni Liam.
Naging tahimik na ang lahat at agad akong nilapitan ni Mama para makapwesto na dun malapit sa pintuan. Nagsitayuan na din lahat ng guests para i welcome si Liam. Rinig ko ang pagtigil ng sasakyan niya hudyat na nandyan na nga siya. Medyo nanginginig nako dahil sa 'di masabing kadahilanan. Mas lalo pa kong kinabahan ng namatay lahat ng ilaw para mas lalong ma surprise si Liam. Napahigpit ang hawak ko sa dulo ng dress ko dahil kunting kunti na lang nandito na siya.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #2: Liam Trinidad [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #2 Unedited | Completed Liam Trinidad, a doctor and CEO. Not just a typical man. He's cold, serious and bipolar. A man who never expect to fall in love to his step sister. Ginawa niya ang lahat para malusaw ang nagbungang pagmamaha...