"Asan yung room ng Mama ko? Can you please tell me right now." nanginginig na sabi ko sa harap ng nurse pagkarating ko sa mismong hospital, which is St. Jude Hospital.
Hindi ako nag abalang mag ayos o maghilamos man lang. Agad akong dumiretso dito para malaman kong si Mama nga ba iyong tinutukoy nila. Siguraduhin nila lahat ng pinagsasabi nila at baka mademanda ko sila ng wala sa oras.
"Wait lang, Miss." ani Nurse.
"Pwede bang pakibilisan? Nagmamadali nako."
"Ano pong pangalan ng pasyente?"
"Katherine Perez."
She browse over their lab book to find my Mom's name. Gusto ko ng umalis dahil napaka bagal ng assist nito sakin pero hindi ko alam kong saang room ko hahanapin si Mama nito.
"Room 201 po, Miss." lahad niya ng room number ni Mama.
Hindi nako nakapagpasalamat pa dahil walang pasabi'y umalis ako at hinanap ang room na yun. Gusto ko ng makisugurado at alamin kung si Mama nga ba ang tinutukoy nila. I'm hoping na hindi si Mama yun. I know, she's fine right now. I know her!
Natigilan ako isang room at dun ko napagtanto na iyon na nga ang hinanap ko. Lumunok ako ng ilang beses dahil sa kakaibang kutob ko. No! Umiling ako.
I tried to open the door and suddenly froze for a moment. Nadatnan ko ang mga nurse na tila ba'y nag aayos at mas nakuha ang atensyon ko sa kama kung saan may takip na ng puti ang tila ba'y isang tao. Kumunot ang noo ko dahil sa hindi mapaliwanag na rason.
"E-Excuse me? Heto ba yung room ng Mama ko? O, di kaya'y, mali lang yung pinasukang kong room?" kabadong tanong ko sa dalawang nurse dahilan na lumingon ito sa gawi ko.
Kung heto nga yung room, nasaan si Mama? I can't find her. Kailangan kong makita si Mama ngayon din!
"Kapamilya po ba kayo ng pasyente?" tanong ng isa saken.
"Hinahanap ko yung Mama ko, si Katherine Perez. I guess, maling room ata 'to. Sorry." ani ko sabay akmang aalis na sana.
"Wait, Miss." Rinig ko.
Lumingon ako kahit papaano. Hinintay ang susunod niyang sasabihin na makakapagtanggal sana ng kaba at pangamba na mayroon ako. Nasa headboard siya ng pasyenyna na tila ba'y may tinitignan.
"Katherine Perez po ang pangalan ng pasyente." sabi ng nurse pagkatapos tignan ang pangalan ng pasyente sa headboard nito.
Agad akong lumapit. "Eh, bakit ganito ang ginawa niyo kay Mama? Anong trip 'to?" ani ko sabay tukoy ng nakikita ko sa sitwasyon ni Mama.
Nakatakip na ng puting kumot ang buong katawan nito dahilan na hindi ko na siya makita. Nainis ako dahil sa ganitong trip nila kay Mama. It doesn't makes sense at all! Hindi na nakakatuwa!
"Good morning. Kapamilya po ba kayo ng pasyenteng 'to?" napalingon ako ng marinig ang boses na yun.
He's a doctor. Simula taas hanggang baba, malalaman mo talaga na doktor na ito. Mas mabuti pa sigurong siya yung tanungin ko kesa sa mga nurse na hindi man lang masagot ng maayos ang tinatanong ko. Nakakainip!
"Oo, anak ako ni Katherine Perez. Asan na siya doc? At bakit? Anong nangyari sa Mama ko? Can you please explain everything, doc?" ani ko.
"Sorry to say, but, na aksidente yung Mama mo. Kaninang madaling araw lang siya sinugod rito sa hospital pero marami ng dugo ang nasayang at siguro sa mga oras na yun, nahuli na siyang makita at madala rito. Ginawa namin ang lahat, Miss. Ang findings ko ay maraming dugo ang lumabas sa kanya , dagdag mo pa ang pagkabagok ng ulo nito dahilan na hindi na talaga maagapan pa. We did our fully best. But, your mom lost hope to fight with us. Your mom... is now died. Exactly 5:00 am this morning, namatay siya at tuluyan ng namaalam. Kaya, we're very sorry for that." explain ng doc dahilan na manghina ang buong sistema ko lalo.
BINABASA MO ANG
Temptation Series #2: Liam Trinidad [COMPLETED]
General FictionTemptation Series #2 Unedited | Completed Liam Trinidad, a doctor and CEO. Not just a typical man. He's cold, serious and bipolar. A man who never expect to fall in love to his step sister. Ginawa niya ang lahat para malusaw ang nagbungang pagmamaha...