Prologue

514 12 9
                                    

SELENE GIA HWANG



"Anak, mag-ingat ka palagi. Kapag ikaw hindi agad umuwi nako..." sabi sa akin ni Daddy. Tinawanan ko lang siya. Sa pagiging strict niya eh hindi ko naman siya kayang suwayin. Buti na lang nga at pinayagan niya akong sumama sa mga kaklase ko sa overnight swimming.




"Magtext ka kapag nandoon na kayo," sabi naman ni Mommy. 




"Opo," I said. Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na. Nakita ko naman si Aria at Clara na nag-aabang sa akin. Kaming tatlo kasi ang sabay sabay na pupunta sa bahay ni Keith dahil doon kami susunduin ng jeep na gagamitin papuntang Pansol.




"Rinig namin si Tito eh," natatawang sabi ni Clara. 




"Oo nga. Ang lakas ng boses!" sabi naman ni Aria.




Tinawanan ko lang sila. Sanay na itong dalawang 'to sa tatay ko. Alam din nila kung gaano kastrikto ang tatay ko. Basta alam na nila lahat, kaklase ko ba naman sila simula elementary.




Nang makarating kami sa bahay ni Keith ay pinapasok muna kami sa loob. Isang jeep pa lang kasi ang nandito at wala pa ang isa. Wala pa rin yung iba naming kaklase. Pati ba naman sa swimming, late sila? Walang sinasanto amp.




"Selene!" tawag sa akin ni Clara mula sa labas. Lumabas ako at napatingin sa kanila ni Aria na nag uusap sa may hindi kalayuan. Lumapit ako sa kanila.




"Ano yon? Kayo may pinaguusapan ayaw niyo ko isali," sabi ko sa kanila. "Parang mga hindi kaibigan ah."




"Mamaya ka na magdrama, Selene! Itong si Aria, pagsabihan mo!" sabi ni Clara at halatang naiinis na sa kaibigan namin. Kung makaduro ba naman kulang na lang sabunutan si Aria. 




"Bakit? Ano na naman ginawa mo, Aria?" tanong ko at tumingin lang siya sa akin.




Ay parang alam ko na ito.




"Wag mong sasabihin na..." 

The Night You Called Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon