Chapter 6

140 9 9
                                    

LEE HEESEUNG




Oo. 




I nodded after reading her answer. Tama pala ang hula ko kanina. Ex nga niya yung lalaking yon. Halata kasing hindi siya komportable kanina nung tinignan ko siya at iba yung tingin ng lalaki sa kaniya. 




Magsusulat pa sana ako ng isa pang tanong kaso nagyaya na ang nanay ko na umuwi. Pumunta kami sa terminal ng tricycle at sumakay. Ang mga magulang namin ang nasa loob habang kami ang nasa labas, sa likod ng driver. 




Gusto ko pa siyang kausapin kaso mukhang malalim ang iniisip niya. Siguro iniisip niya pa rin yung nangyari kanina. Mukhang hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. 




I wonder how they broke up. There are a lot of forms of breakup. Some couples end in a good way and some end in a bad way. Swerte mo na lang kung in good terms kayo naghiwalay. Sa akin kasi, we ended in a bad way. As we try to fix everything we had, she started falling for someone else. Ako na lang pala ang pilit na nag-aayos ng kami.











"Sana man lang sinabihan mo ko na ayaw mo na," I said.


"I'm sorry, okay? Nakakapagod na kasi..."


"Kaya iniwan mo ko? Kaya hindi ka man lang nakipaghiwalay bago naghanap ng iba?" Hinawakan ko ang kamay niya at tila nagmamakaawa, "Pwede pa naman tayo, diba?"


"Tama na. Ayoko na." 


Bago pa ako magsalita ay umalis na siya. Iniwan na niya ako mag-isa.












"Gago kayo!" sigaw ni Jungwon nang makita niya kami ni Jay. Lumapit siya sa amin at nakipag-apir. Tagal ko ring hindi nakita 'to. 




"Saan niyo gusto pumunta?" tanong niya sa amin. Nandito kaming tatlo sa plaza at maraming tao masyado. Nakakahiya naman kung dito lang kami tatambay. 

The Night You Called Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon