Binuksan niya ang dala niyang payong at ganoon din ang ginawa ko. Tahimik kaming naglakad, para bang pinapakiramdaman ang isa't isa.
Minsan ay napapatingin ako sa kaniya at nasasaktuhan naman na nakatingin siya sa akin kaya umiiwas agad ako. Nakakahiya.
Gusto ko siyang kausapin. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi kaya ang tahimik na kapaligiran pag may kasama. I don't want us to be awkward too.
Muli akong tumingin sa kaniya at nagulat ako nang bigla siyang magsalita.
"May sasabihin ka?" tanong niya. He looked at me and smiled.
"Ha? Wala..."
Ito ang isa sa ayaw ko sa sarili ko. Natatakot ako at kinakabahan mag-approach kahit gusto ko mag-approach.
"Salamat nga pala. Ang kulit talaga si Matt, pasensya ka na," sabi niya.
"Wala yon. Ganon talaga ang mga bata. Kapatid mo ba siya?"
"Pinsan," he answered and he looked at me again. "Medyo spoiled kasi sa pamilya eh."
Tumango-tango ako. Ngayon, wala na naman akong masabi. Hindi ko talaga alam paano magpahaba ng usapan.
Muli akong tumingin sa kaniya. I took a deep breath and said, "Thank you ulit at sorry sa nagawa ko kagabi. Nakakahiya talaga yon."
"Hinahabol ka ba nung dalawang lalaki na yon?" he asked, referring to the men I encountered last night.
"Sinusundan nila ako. Narinig ko na may... balak silang..."
"Okay lang. Hindi mo na kailangan ituloy," sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Night You Called Me Love
Novela JuvenilBeing followed by two men on her way home in the middle of the night, Selene panicked. Then she saw a man standing outside their house. She took a deep breath and hugged him, "Love! Kanina ka pa ba dito? Sorry nalate ako..." Little did she know, it'...