Chapter 5

158 7 12
                                    

"Gia, tara na," sabi ni Mommy sa akin. Pupunta kasi kami ng palengke ngayon para mamili ng uulamin ngayong araw at bukas. 




Kinuha ko ang payong at eco bag at lumabas na kami ng bahay. May daan dito sa amin malapit sa palengke kaya kahit maglakad kami ay ayos lang. Mamaya na lang kami magttricycle pag pauwi na. 





Mabilis kaming nakarating sa palengke. Alas quatro pa lang ng umaga pero marami-rami na agad ang mga tao. Noong bata ako, ayokong pumunta dito sa palengke dahil madumi at mabaho pero habang lumalaki at nasasanay ako na sumasama kay Mommy sa pamamalengke ay parang wala na sa akin ang mga ito. Lalo na ang katulad ko ay walang karapatang mag-inarte. Hindi naman kami mayaman. 






"Mamili ka na ng patatas doon," sabi ni Mommy. Humiwalay ako sa kaniya at kumuha ng supot. 





Tahimik akong namimili ng patatas at naglalagay sa plastic. Sanay na ako sa ganito. Alam ko na kung paano tignan ang piliin ang bawat isa. Narinig kong may kausap si Mommy kaya tumingin ako sa kaniya. My eyes widened when I saw Heeseung's mother. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid kung kasama niya si Heeseung pero hindi ko nakita. 




"Buti naman..." I whispered to myself. Muli akong bumalik sa ginawa ko. 





Hindi ko alam ang gagawin ko pagnakita ko siya ngayon. Noong isang araw ko pa siya hindi nakakausap o kinakausap dahil doon sa pagkakalike ko ng old post niya sa Facebook. Hindi ko rin alam sasabihin ko sa kaniya at baka asarin niya pa ako. 





"Bulok na yan ah."





Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses niya. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko! Bakit ba nangbibigla 'to? 




"Sorry," he chuckled. "Parang ang lalim kasi ng iniisip mo, bulok na patatas na yung nakuha mo."





Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy sa ginagawa. Akala ko hindi siya kasama! Nakakainis naman. Hindi nga ako handa kausapin siya eh. 


The Night You Called Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon