Chapter 1

273 7 4
                                    

SELENE GIA HWANG



Ala sais ng umaga nang magising ako. Nagulat ako nakayakap pala sa akin si Clara. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin at tumayo ako. Tulog pa lahat ng mga kasama ko dito sa kwarto. 




"Justine para kang gago!" rinig kong sigaw ni Chloe mula sa baba. Napatingin ako sa pool nakita kong nandoon siya habang si Justine ay tawa nang tawa. Siguro hinagis niya si Chloe sa pool. 




Tumawa ako nang wisikan ni Chloe ng tubig si Justine. Napamura tuloy si Justine. Nagsitalunan naman yung iba ko pang kaklaseng lalaki. Sinara ko ang pinto ng kwarto namin at bumaba ako para kumain. Sabi kasi nila kagabi bago matulog ang iba ay may magdadala raw ng umagahan namin. 




Pagbaba ko ay nakita ko si Blake mag-isa at nakain. Mukhang kakagising lang din niya o baka hindi siya natulog. Nag-inuman sila kagabi eh. Naalala ko, ala una na ang ingay pa rin nila at nagkakaraoke pa.




"Good morning," sabi ni Blake sa akin. I gave him a timid smile. 




"Sandali, patapos na ako..." sabi niya at madaling uminom ng kape.




"No. Okay lang. Sige kumain ka pa dyan. Sa taas na lang ako kakain," I said.




Deretso akong kumuha ng pandesal at pinalamanan ito ng nakahandang sunny side up. Nang matapos ako kay dumeretso na ako sa taas. Gusto ko sanang doon na lang kumain sa baba para hindi hassle kaso ayoko namang sabayan si Blake kumain dahil hindi pa ako komportable kasama siya. Sapat na siguro yung sumama ako dito kahit naiilang pa ako sa kaniya. 




He was my boyfriend. Naging magkaklase kami simula grade 11 at naging kami. Pagkatapos ng ilang buwan ay nalaman kong may iba siya. Nahuli ko silang naghahalikan. He apologized and cried like a kid asking me to give him another chance. And I gave him another chance. Pero nasayang lang dahil inulit na naman niya. He apologized again... asking me to give him one last chance pero hindi ko na ginawa. Mahal ko siya pero madali akong napagod magpakatanga sa kaniya. 




At hindi na kami nag-usap ulit hanggang sa muling magsimula ang school year. Grade 12 na kami at magkaklase pa rin. Sobrang hirap maging ex ang kaklase mo dahil apektado ang lahat. Pag may groupings at nasasaktuhan na magkagroup kami, nag-a-adjust yung groupmates namin para sa amin. Nakakahiya pero hindi ko talaga siya kayang kausapin dahil tuwing nakikita ko siya... tuwing ang lapit lapit niya... pakiramdam ko lahat lolokohin lang ako.

The Night You Called Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon