"Ate, chocolates ha!" sabi ni Isaiah.
Kausap ko ang mga magulang ko sa isang video call at humarang naman agad ang mga kapatid ko. Kunyari pang hindi nila akong namimiss.
"Uuwian ko kayo ng schoolworks! Anong chocolate? Nangibang bansa ba ako?" natatawang tanong ko.
"Hoy, Isaiah! Maghugas ka na nga ng plato!" sabi sa kaniya ni Daddy.
"Ang daya! Si Ate dapat taga hugas ngayon eh!"
"Sorry ka!" I laughed. "Ako naman laging naghuhugas dito mag-isa!"
Miss ko na talaga sila. Isang linggo pa lang akong nandito pero uwing uwi na agad ako. Hay. Natapos ang tawag at natulog muna ako. Alas dos pa lang ng tanghali. Susulitin ko na ang mga oras na nakakatulog pa ako ng tanghali dahil paniguradong hindi na 'to mauulit pag nagsimula na ang kolehiyo.
I woke up at 4pm. Same routine lang. Kumain ako ng merienda at nagbabad sa internet. Biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Heeseung nung isang araw. Nilapag ko sa gilid ko ang cellphone at napahiga sa kama. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan at sumigaw.
"I can wait."
Alam kong may iba sa mga katagang yon. Alam ko rin na crush niya ako! Pero masisisi niya ba ako kung hindi ko alam sa sarili ko kung handa na ba akong magmahal ulit? Basta ang alam ko lang ay lamang sa akin ang takot ngayon.
Paano kung lokohin niya lang din ako?
Mabait siya pero mabait din naman si Blake noong una ko siyang nakilala. Mabait si Blake pero nagawa niya akong lokohin. Paano kung ganon din si Heeseung? Paano kung wala siyang pinagkaiba sa iba?
I frowned. Hindi ko namalayan ang oras kakaisip sa mga sinabi ni Heeseung. Oras na pala para sa hapunan.
BINABASA MO ANG
The Night You Called Me Love
Teen FictionBeing followed by two men on her way home in the middle of the night, Selene panicked. Then she saw a man standing outside their house. She took a deep breath and hugged him, "Love! Kanina ka pa ba dito? Sorry nalate ako..." Little did she know, it'...