"Class dismissed!"
We all sighed in unison. Sa wakas tapos na ang klase pero kailangan naman namin maghanda para sa next subject dahil 30 minutes lang ang pagitan. Pero at least may pagitan, diba?
"CR tayo!" sabi sa akin ni Sanya. Tumango ako at sabay kaming lumabas ng room para pumunta sa CR.
They day went smoothly. Masaya ako dahil mataas ang nakuha kong score sa assessment kanina at nakasagot din ako sa recitation. It feels good. Makakatulog ako nang maayos ngayon.
"Pupunta akong Diliman ngayon, gusto mo sumama?" Sanya asked.
"Anong gagawin mo doon?"
"Pupuntahan ko si Sunghoon! Ano, tara? Maaga pa naman! Maganda mamasyal doon!"
Agad akong tumango. Ayoko pa kasi umuwi dahil pagdating ko sa unit ko ay mararamdaman ko na namang mag-isa ako. Wala pa rin naman kaming kailangan gawin kaya pwede pa gumala.
Traffic.
Common scenario na sa akin at sa lahat ng Pilipino ang traffic pero grabe naman ang traffic dito sa Maynila. Nakakapagod magcommute!
"Dalawa po! Sa Sunken Garden po!" sabi ni Sanya pagkaabot niya ng bayad sa driver. Sumakay kami sa tinatawag nilang "ikot jeep" papasok ng campus.
UP Diliman is beautiful. Malaki, malawak at maganda. Mukhang maaliwalas din dito dahil sa mga puno at halaman. Bigla ko tuloy naalala yung mga picture na sinend sa akin ni Heeseung noong nakaraang araw. Lalo akong naexcite makita sa personal ang Sunken Garden.
Kinuha ko ang cellpone ko para magtype ng message kay Heeseung. I want to inform him that I'm here! Baka pwede kami ulit magkita. Ang tagal na kasi naming hindi nagkikita eh. Medyo miss ko na siya.
me: hi! nandito ako sa up!
Naseen niya agad. Ang bilis talaga niya magseen. Lagi ba niyang hawak cellphone niya?
Lee Heeseung: talaga? saan ka? pupuntahan kita
Lee Heeseung: ikaw lang mag-isa?me: hindiii
me: may kasama akooo
me: nasa jeep pa kami pero sa sunken garden kami papunta
BINABASA MO ANG
The Night You Called Me Love
Teen FictionBeing followed by two men on her way home in the middle of the night, Selene panicked. Then she saw a man standing outside their house. She took a deep breath and hugged him, "Love! Kanina ka pa ba dito? Sorry nalate ako..." Little did she know, it'...