"Selene! It's not what you think it is-" A slap. I slapped him hard. I slapped him with every strength I have. I slapped him with every anger rising through my nerves.
"Tanga ako, Blake! Pero hindi ako bulag!" I hissed. "It's not what I think it is? Nakahubad kayo pareho at naghahalikan kayo sa kama! Ano yon? Naglalaro lang kayo? Nagpapractice kayo? Tangina mo!"
"Selene... p-please..."
"I gave you a chance. I gave you another chance pero inulit mo na naman!" I cried. Ganito ba talaga ako kadaling palitan? Ano bang mali sa akin?
"I'm sorry... Selene, please... give me another chance..." Lumuhod siya. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero agad ko itong iniwas sa kaniya.
"You disgust me," I said with pure emphasis. "And you will always disgust me. Sana masunog ang kaluluwa mo sa impyerno."
"Selene, okay ka lang?" I snapped back to reality when I heard Sanya. Tumingin ako sa kaniya at tumango. "Oo, sorry. May sinasabi ka ba?"
"Tinatanong kita kung saan mo gusto kumain ng lunch," she answered. "Okay ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo."
"May naalala lang na bagay na ayaw ko na maalala," sagot ko.
"Pwede ka magkwento sa akin, ha? Para gumaan naman yan."
I smiled at her. "Thank you. Sa Carpark na lang tayo humanap ng makakainan."
Nagsimula kami maglakad papunta sa UST Carpark. I sighed. Hindi ko alam bakit bigla kong naalala ang bagay na yon. Gustong-gusto ko na kalimutan yon.
Mabilis lumipas ang araw. Sabado na naman ngayon at kakatapos ko lang maglinis ng unit ko. Wala kasi akong magawa kanina dahil natapos ko na ang mga assignments na dapat tapusin. I always feel like I have to clean.
I took a picture of my new desk set-up and posted it on my IG story. Wala lang, ang ganda kasi. Deserve ma-flex.
BINABASA MO ANG
The Night You Called Me Love
Fiksi RemajaBeing followed by two men on her way home in the middle of the night, Selene panicked. Then she saw a man standing outside their house. She took a deep breath and hugged him, "Love! Kanina ka pa ba dito? Sorry nalate ako..." Little did she know, it'...