Nakakabadtrip talaga ang traffic! Nakakastress ng beauty. Isang oras na ang nakakalipas pero nandito pa rin kami sa Maynila. Sabi sa Google, dalawang oras lang ang byahe mula dito pero dahil sa traffic ay mukhang mapapatagal. Naiinip na ako!
"Kain muna tayo," Heeseung chuckled. Inabot niya ang isang paper bag sa back seat at kinuha ang malaking Pillows chocolate. Binuksan niya ito at inalok ako.
"Thank you." Kumuha ako ng dalawa at kumain. Nang makita ko na nagsimula nang umandar ang kotse sa unahan namin ay agad kong kinuha sa kamay niya ang biscuit.
"Hindi na ako nakakain," natatawang sabi niya habang patuloy na nagmamaneho.
Kumuha ako ng isang piraso at nilapit ito sa bibig niya. "O, dali. Ah," sabi ko.
He looked at me for a second before he opened his mouth to eat the food. "Isa pa," sabi niya pagkatapos ngumuya.
"Lah, ayaw ko nga," I joked. Muli ko siyang sinubuan ng Pillows.
"Thank you," he smiled, almost smirking. Sumandal ako sa sandalan at tumingin sa labas. Napakagat ako ng labi. What did we just do? What did I do? Talaga bang sinubuan ko siya ng pagkain?
Nagtuloy-tuloy na ang byahe namin pero inabutan na kami ng tanghalian kaya nagdesisyon kaming kumain muna sa Jollibee.
"Anong sa'yo? Ako na oorder," sabi ni Heeseung pagkahanap namin ng pwesto.
"Chicken and rice with large fries. Ang drinks ay gagawing iced mocha. Yun lang," sabi ko habang kinukuha sa wallet ko ang pera. Inabot ko sa kaniya ang 150 pesos. "Kapag kulang, bayaran ko na lang mamaya."
"Okay." He stood up and went to the counter. Habang hinihintay ko siya ay binuksan ko ang cellphone ko para mag-reply sa mga chat ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko. Pagbalik ni Heeseung ay binaba ko na ang cellphone ko sa lamesa.
"Magkano kulang ko?" I asked.
"80 pesos," sagot niya. Tumango ako at binigay ang kulang.
"Sinabi ko na nga pala sa kanila na maglulunch na tayo," sabi niya. "Nagtanong kasi sila kung doon daw ba ako kakain."
"Sinabi ko rin sa kanila. Tinanong din ako, e." He nodded.
BINABASA MO ANG
The Night You Called Me Love
Ficção AdolescenteBeing followed by two men on her way home in the middle of the night, Selene panicked. Then she saw a man standing outside their house. She took a deep breath and hugged him, "Love! Kanina ka pa ba dito? Sorry nalate ako..." Little did she know, it'...