Kanina pa ako nakatulala dito sa laptop habang nakabukas ang email ng UST regarding the enrollment.
I took the exam and passed. Sobrang saya ko noong nakita kong nakapasa ako. At lalo akong sumaya nang malaman kong nakapasa rin ako sa UP Diliman.
And now I'm thorned.
Pareho kong gusto yung school kaya nga nagtake ako ng exam. Hindi ko naman alam na papasa ako sa pareho ni hindi ko nga alam na papasa pala ako sa kahit saan.
"Ano ba kasi?" tanong ko sa sarili ko. Yumuko ako at ginulo ko ang buhok ko. Pagkatapos naman ay inayos ko rin at tinali. Naloloka na ata ako.
"Ate, si Kuya Yeonjun, nasa baba," katok ng bunso kong kapatid na si Jett.
"Sige. Wait lang." Sinara ko muna ang laptop at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ay nakita ko si Yeonjun na nakaupo sa sofa at kausap ang tatay ko.
"Good morning, Selene," Yeonjun said when he saw me. I greeted him back.
Tumayo ang tatay ko at umakyat. Ako naman ang tumabi kay Yeonjun.
"Bakit nandito ka?" tanong ko.
"Nagdala ako ng konting pagkain. Diba natanggap na namin yung balikbayan box kahapon," sagot niya. "May ginagawa ka ba? Kumusta swimming?"
"Okay lang yung swimming, masaya. Wala naman ako ginagawa. Iniisip ko lang yung school ko sa college..."
"Undecided ka pa rin? Okay lang yan. Take your time."
"Ikaw ba? Dito ka lang sa PUP?" tanong ko. Yung PUP Santa Rosa Branch kasi ang malapit sa amin. At sa kabilang street lang nakatira itong si Yeonjun.
"Oo. Nakapasa ako sa exam eh. Ayoko na lumayo. Baka mahomesick lang ako," he chuckled.
Ako rin naman kaso ewan ko ba, takot ako umalis but at the same time, I want to explore. I want to experience new things. I want to move outside my comfort zone. Gusto ko sulitin ang lahat ng meron ako.
"How about UP? Hindi ba gusto mo doon?" he asked and I nodded. "Yun yung dream school mo ah."
"Oo pero ewan ko. Noong pumunta kasi ako ng UST parang binulungan ako na doon daw ako pumasok," natatawang sabi ko at tumawa naman siya. Totoo naman kasi! Or maybe it's the infrastructure that amazes me. I don't know.
Nag-usap pa kami at hindi na namin namalayan ang oras, oras na pala para magtanghalian. Tinawag kami ni Mommy para kumain.
"Ang sarap po talaga ng sinigang niyo!" sabi ni Yeonjun pagkahigop ng sabaw.
"Sino bang magtuturo sa kaniya ng ganyang luto? Edi ako lang naman," sabi naman ni Daddy. I chuckled. Ito talagang tatay ko. Pero totoo naman kasi. Siya ang masarap magluto dito sa bahay at tinuruan niya si Mommy magluto noong magjowa pa lang sila.
Masaya ang aming tanghalian. Puno ng tawanan at asaran. Puno ng mga bagong kwento. Nang sumapit ang alas dos ng hapon ay nagpaalam na si Yeonjun. Akala ko wala na balak umuwi 'to eh.
BINABASA MO ANG
The Night You Called Me Love
Teen FictionBeing followed by two men on her way home in the middle of the night, Selene panicked. Then she saw a man standing outside their house. She took a deep breath and hugged him, "Love! Kanina ka pa ba dito? Sorry nalate ako..." Little did she know, it'...