"Mommy, si Kuya o! Ginugulo ako!"
Nagising ako dahil sa ingay ng dalawa kong kapatid. Umagang umaga ay nagkakagulo na agad silang dalawa.
Bumangon ako at kinusot ang mata ko. After almost ten minutes, I stood up and faced my vanity mirror. Umupo ako at sinuklay ang aking buhok. Pagkatapos ay pumunta ako sa banyo para maghilamos.
Lumabas ako sa terrace nang matapos ako. Ito lang kasing kwarto ko ang tanging daanan palabas dito sa terrace. Kaya ang saya ko noong nalaman ko na ako ang gagamit na kwarto na ito dahil gusto ko talaga lumabas sa terrace palagi.
"Gising na pala ang prinsesa!" sigaw ng tatay ko mula sa baba. Tinignan ko siya at kinawayan. Kumaway naman siya pabalik. Pawis na pawis si Daddy, halatang kakatapos lang magjogging.
7 am pa lang kasi at araw-araw na ginagawa ni Daddy ang pag-j-jogging unless kailangan niya pumasok ng sobrang aga. Minsan pag walang pasok at walang ginagawa si Mommy ay sabay sila. Ako naman ay minsan lang din nakakasama dahil madalas ay nagigising ako ng maaga para gumawa ng paperworks. Kinakain talaga ng academic ang araw-araw na buhay ko.
I leaned on the railings. Hanggang ngayon parang nanghihina pa rin ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung nangyari kagabi. Wala na ako paki sa kahihiyan ko eh, ang mahalaga ay ligtas ako...
Huminga ako nang malalim. Mariin kong pinikit ang mata ko at pilit kinakalimutan ang nangyari kagabi. Pagmulat ko ay tumingin ako sa kalangitan at nakita na pasikat pa lang ang araw. This is why I love mornings. I get to watch the sunrise.
Panibagong araw na naman. Panibagong araw para umasa at maging masaya.
Napatingin ako sa kaliwa ko dahil pakiramdam ko ay may tao at nagulat ako nang makita ko siya.
Gago.
Kapitbahay namin siya?!
Napatingin din siya sa akin. "Good morning," he said, smiling.
Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Nahihiya ako sa ginawa ko kagabi. Lalo na't nakita ko ulit siya ngayon at mukhang bagong kapitbahay namin. Araw-araw ata ako kakainin ng kahihiyan.
"Good morning..." I said, hoping that I sounded natural and calm.
He continued drinking his... coffee I think? His left hand is in his pocket. Ang gwapo.
"Aba, Angelo gumising ka na!"
Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ng kapitbahay namin kasunod ang malakas na cymbals. Maingay na naman sila kaya nagigising pati yung iba naming kapitbahay na naka night shift.
Natawa na lang ako nang ulitin nila. Halos araw-araw ata ay ganito ang naririnig ko mula sa kanila. Napatingin ulit ako sa lalaki at nakita kong dilat na dilat siya. Halatang nagulat sa narinig niya.
I laughed. Nakakatawa kasi yung itsura niya. Parang nagising yung kaluluwa niya.
Natigil lang ako nang tumingin siya sa akin. He chuckled.
"Gia! Bumaba ka dito!" rinig kong tawag sa akin ni Mommy kaya agad akong bumaba.
Nakita ko si Mommy na nagtatakip ng Pyrex. Ang dami naman niyang niluto na pancit at may biko pa.
BINABASA MO ANG
The Night You Called Me Love
Teen FictionBeing followed by two men on her way home in the middle of the night, Selene panicked. Then she saw a man standing outside their house. She took a deep breath and hugged him, "Love! Kanina ka pa ba dito? Sorry nalate ako..." Little did she know, it'...