"Mag-iingat ka dito ha, Gia?" sabi ni Mommy.
"Opo," I tried to chuckle.
Naipasok na dito sa unit ko ang lahat ng gamit ko. Salamat sa tulong ng mga magulang ko, ni Yeonjun at Tito Gavin. Kinakabahan na naman ako ngayong nandito na ako. Gusto ko sumama sa kanila pauwi.
"Baka pumunta dito ang Tita Lea mo sa susunod na linggo," sabi ni Daddy. "Gusto kang bisitahin. Paborito ka non."
"Yeonjun," tawag ko. Niyakap ko siya at ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. "Sama niyo na ako pauwi."
"Tangina," he whispered. "Gusto kita isama pauwi pero hindi pwede. Galingan mo dito ha."
Pagkatapos ng ilang minuto ay humiwalay na ako sa yakap niya. Natawa siya at pinisil ang pisngi ko kaya agad kong hinampas ang braso niya.
"Wag ka na maging babaero," sabi ko sa kaniya.
He rolled his eyes. "Pag naging tayo na."
"Yuck! Di tayo talo!" I hissed.
"Selene, tatawagan ka namin palagi, ha?" Daddy said and I nodded.
Umalis na sila. Mag-isa na lang ako dito. Naiiyak na naman ako. Kakayanin ko ba talaga mag-isa dito? Nakikita ko na ang sarili kong naiyak sa apat na sulok ng unit na ito.
I took a deep breath, gathering all my strength. Muli kong kinumbinsi ang sarili ko na kaya ko ito at kakayanin ko araw-araw. Masasanay din ako dito. Kaya ko 'to. Oo, kaya ko. "Let's go, Selene. You can do this! Fighting!"
Tumayo ako at nagsimulang ayusin ang mga dala kong gamit. Fully furnished naman na itong unit kaya hindi ko na kailangan problemahin ang pag-aayos ng mga furniture. Pumunta ako sa kwarto at inilagay ang mga gamit na dapat ilagay sa kwarto. Halos dalhin ko ang buong kwarto ko doon sa Laguna dahil hindi ako makapili ng mga mahahalagang gamit. Lahat ay mahalaga para sa akin. Kahit teddy bear pa yan.
BINABASA MO ANG
The Night You Called Me Love
Teen FictionBeing followed by two men on her way home in the middle of the night, Selene panicked. Then she saw a man standing outside their house. She took a deep breath and hugged him, "Love! Kanina ka pa ba dito? Sorry nalate ako..." Little did she know, it'...