Gusto kong sumabog! Nakakahiya! Bakit ba ako nakatulog tapos hawak ko yung cellphone ko? You're so dumb, Selene!
"Ano ba, Selene?! Kakain ka ba o hindi?!" rinig kong sigaw ng tatay ko.
"Kakain po! Pababa na ako!"
I stomped my feet before walking out of my room. Nakakahiya talaga! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kaniya pag nagkita kami ulit? Magkapitbahay pa naman kami.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para sumabay sa magulang ko sa pagjojogging. Nagsisimula pa lang lumiwanag ang kalangitan.
"Ayaw ko na!" sabi ko pagkatapos ng sampung ikot. Naupo ako sa kalsada sa tapat ng bahay namin.
Tinawanan ako ng tatay ko. "Lima pa, Selene!"
"Daddy, pagod na po ako," hinahapong sabi ko. Ang tagal ko na kasing hindi nag-eexercise kaya ang dali kong mapagod at ang sakit na agad ng paa ko. Para akong nastretch ngayon.
Umalis na si Daddy para ipagpatuloy ang pagjojogging niya. Naiwan ako mag-isa ditong nakaupo. Maya maya na ako tatayo.
"Nakakapagod jusko," sabi ko sa sarili ko.
"Good morning."
Para akong naestatwa sa kinauupuan ko dahil narinig ko yung boses ni Heeseung. Naalala ko na naman yung kahihiyan ko kagabi! Grabe, puro kahihiyan na lang ata ang mapapala niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Night You Called Me Love
Fiksi RemajaBeing followed by two men on her way home in the middle of the night, Selene panicked. Then she saw a man standing outside their house. She took a deep breath and hugged him, "Love! Kanina ka pa ba dito? Sorry nalate ako..." Little did she know, it'...