Maraming taon na ang nakalipas, sa lupain ng North, lagpas sa limang ilog at tatlong bundok, matatagpuan ang isang lumang siyudad. Ang tawag ng mga sinaunang tao sa siyudad na ito ay Elyselvania, pero dahil sa tagal ng panahon at pagbabago ng mga salita napalitan ito ng mas maaliwalas na pangalang Elysian, na ang ibig sabihin ay maganda at perpekto.
Isa lamang ang kinakatakutan ng mga tao sa siyudad na ito, ito ang malas na dala ng paglabag sa mga pamahiin. Malas na humahantong sa kamatayan, kaya naman ingat na ingat ang mga tao sa lahat ng kanilang ginagawa.
Hanggang sa ipinanganak si Awanda Magtanggol. Ang babaeng kakaiba. Siya lamang ang tanging nakakakita sa itim na usok na pinaniwalaan niyang nagdadala ng malas na nanggaling kung saan at naghahanap sa mga taong lumalabag sa mga pamahiin.
Napansin niyang sa tuwing nakakakita siya ng maitim na usok ay may namamatay at nabubunotan siya ng isang hibla ng buhok.
Kaya naman sa kagustuhang sagipin ang kanyang sarili at ang ibang tao at para alamin ang mga misteryong nagaganap sa kanilang siyudad ay sinimulan ni Awanda ang kanyang misyon. Misyon na magdadala sa kanya sa kapahamakan.
___________
Nagsimula ang lahat nang magdiwang ako ng ika-labing anim kong kaarawan. Ako si Awanda Magtanggol, nasa ika-labing isang baitang na ako at kumukuha ng Accountancy, Business and Management strand. May maitim at hanggang balikat na buhok at may biloging mga mata. Nasa bahay kami noon kasama ang aking pamilya at mga kaibigan, nagsasaya ang lahat, lahat ay abala, nagkukwentuhan, nagtatawanan, hanggang sa bigla ko na lang naramdaman ang mahinang pwersang lumabas mula sa aking katawan.
Hindi ko ma-wari kung ano iyon dahil iyon pa lamang ang unang beses na nakaramdam ako ng gano'n. Bigla akong nanghina kaya napaupo ako sa sahig sa gitna ng maraming tao ngunit walang kahit isang nakapansin sa akin.
Habang nakaupo at pilit pinapakalma ang sarili ay bigla na lang may nalaglag na isang hibla ng buhok mula sa aking ulo, nagliliwanag ito ng kulay asul at habang dahan-dahang bumabagsak sa sahig ay dahan-dahan ring nawawala ang liwanang nito hanggang tuluyan ng nawala. Bigla akong napatingin sa bintana. Isang usok! Isang maitim na usok ang aking nakita na tila ba may sariling utak dahil sa kakaibang paggalaw nito.
Ano 'yan?
Bulong ko sa sarili. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa bintana upang tingnan ng maayos ang usok na nasa labas lamang ng aming bahay at para bang naghahanap ng mabibiktima. Habang nakatitig sa maitim na usok ay hindi maiwasang manindig ng aking mga balahibo. Kasabay kasi ng paggalaw nito ay ang isang tunog na para ba'ng tunog ng isang malakas at umiihip na hangin. Nakakatakot!
"Wanda? Ayos ka lang ba?" Napalingon ako sa tabi ko nang may biglang magsalita.
"Ma? Nakikita mo ba 'yun?" Sabay turo ko sa maitim na usok na umiikot sa labas.
Tumingin naman si Mama sa dereksiyon na itinuro ko.
"Ang alin? Wala naman akong nakikita maliban sa bahay ng kapitbahay nating si Linda. Alam mo gutom lang 'yan, halika! Kumain tayo," pangyayaya ni Mama.
Nagtataka kong tiningnan si Mama. Hindi niya ba nakikita ang nakakatakot na usok na iyon?
"Ma? Tingnan mo, may maitim na usok malapit sa bahay ni Aling Linda." Itinuro ko ulit ang usok upang makita ni Mama ngunit ngumiti lamang ito.
"Ano ka ba, wala naman akong nakikitang usok. Hay! Halika na nga!" Umiiling-iling pa ito habang naglalakad palayo.
Bakit hindi niya nakikita?
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko upang makasiguradong hindi ako namamalikmata lang.
Baka nga siguro namamalikmata lang ako dahil sa gutom.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//
FantasyOnce upon a time, in a faraway land, there was an isolated long lost city where all people believed in superstitions-----but what if they discover that their city was secretly ruled by a dark witch? Will they all be saved from death? *** Ipinangana...