Kabanata 17

24 14 0
                                    

Sa ikalawang araw ng pag-eensayo namin. Katulad ng nakasanayan bago pa tuluyang sumikat ang araw ay narinig na naman namin ang boses ni Ms. Breggette. Kaagad akong bumangon at naligo, baka uunahan na naman kase ako ni Mica. Pagkatapos maligo ay agad kong hinanap ang suot na dapat naming isusuot sa araw na ito, at base sa listahan na ibinigay sa amin ay isang armor suit ang susuotin namin ngayon.

Hinugot ko mula sa loob ng bag ang isang kulay asul na may halong itim na damit at inumpisan itong isuot.

Mayroon itong kulay itim na tube na may kumikinang na dekorasyon. Sunod ko namang isinuot ang kulay itim na fitted jeans na may pilak na kadena na nakasabit mula sa kaliwa ko papunta sa kanan. At ang pinaka gusto ko sa lahat. Ang manipis at kulay itim na may asul sa dulong kapa. Mahaba ito na umaabot hanggang tuhod ko at mayroon ring mahahabang manggas kaya saktong-sakto sa tube at sa fitted jeans kong suot.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis nang lumabas si Mica mula sa banyo. Nakatuwalya lang ito.

"Wa-wanda?!" gulat niyang sambit ng makita ako.

Nginitian ko lang ito. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang suot kong damit.

"Ang ganda naman nito," mangha niyang sambit.

"Syempre," pagmamalaki ko sa kanya. Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa damit ko at pagkatapos ay umupo at isinuot ang panghuling parte ng damit. Ang mahabang bota.

Nagulat siya sa ginawa ko kaya inirapan niya ako pagkatapos dali-dali itong pumunta sa kama niya at tiningnan ang kanyang mga damit.

"Hhmmm..." nakangiti niyang sambit. Pagkatapos kong isuot ang bota ay agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

Halos magkapareho lang ang suot namin. Ang kaibahan lang ay ang kulay nito at ang suot naming kapa. Kulay pulang long hooded cloak kasi ang sa kanya na kayang tumakip hanggang kalahati ng kanyang mukha.

"Wanda?" Pareho kaming napatingin ni Mica sa pinto nang may tumawag sa aking lalaki.

"Kakain na tayo." Masigla kong sambit saka patakbong lumapit sa pinto at binuksan ito.

Bumungad naman sa akin ang isang lalaki na may bitbit na pagkain. Tinanggap ko ito at nagpasalamat pagkatapos ay isinara na ang pinto.

Mabilis kaming kumain at nang matapos ng ihanda ang aming sarili ay agad na kaming lumabas at nagpunta sa gym kung saan kami mag-eensayo.

"Lagi nalang kayong nahuhuli!" Aniya ni Mica nang makita kaming papasok sa gym. Katulad ng palagi naming nadadatnan ay nandoon na silang lahat at handa na.

"Tahimik!" sambit ni Ricky. "At dahil kompleto na kayo, sasabihin ko na ang gagawin natin ngayon," dugtong pa niya.

Nagsitayuan ang iba naming kasama at lumapit sa kanya para makinig. Iyon rin ang ginawa namin.

"Sa araw na ito ay maglalaban-laban kayo ngunit tandaan ninyong parte lamang ito ng inyong pag-eensayo kaya huwag niyong totohanin," paliwanag ni Ricky.

Nagkatinginan kaming lahat. Alam naming dito malalaman kung sino talaga ang pinakamagaling sa amin.

"Humanda na kayo. Unang maglalaban, Wanda at Rex."

Bigla kong tiningnan si Rex at katulad ng inaasahan ko ay nabigla rin ito sa sinambit ni Ricky. Nagsitabihan ang mga kasama namin pati na si Ricky at halatang sabik na silang makita ang laban namin ni Rex.

"Galingan mo." Saysay ni Dion sa akin bago naglakad papunta sa iba naming kasama.

"P-pero," magrereklamo pa sana ako kay Ricky ngunit sumenyas na ito na magsisimula na kami kaya tumahimik na lang ako at tiningnan na lang si Rex.

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon