Kabanata 2

89 73 18
                                    

Umaga pa lang ay pinagbihis na ako ni Mama pagkatapos ay umalis na kami. Mahabang daan ang inalakbay namin, isang matuwid na daan na walang ibang bahay na makikita kundi mga puno lamang. Ang sabi ni Mama, dadalhin niya ako sa South kung saan nakatira si Marta, ang matandang albularyo, ang bahay na iyon ay nasa kadulo-dulohan sa lupain ng south.

Pinahinto ni Mama ang sasakyan sa harap ng isang maliit na kubo.
Ang kubo ay pinalilibutan ng mga puno at halos lamunin na ito ng mga malalaking ugat. Maraming puno na naging dahilan upang magdilim ang paligid dahil sa mga dahong pumipigil sa paglusot ng sinag ng araw.

"Ma, uwi na tayo, wala naman yatang tao," wika ko kay Mama.

Ang totoo ay natatakot lang ako.

"Hindi pwede!" pabagsak na sagot ni Mama. Naglakad ito papalapit sa kubo na pinalilibutan ng malalaking ugat at halos hindi ko mawari kung saan banda ang pintuan nito.

"Ma, balik nalang tayo bukas," pangungumbinsi kong muli ngunit hindi na niya ako sinagot. Nagpatuloy ito sa paglalakad nang hindi man lang ako nililingon.

"Marta?" Pagtawag ni Mama.

Dahan-dahan akong lumapit kay Mama at huminto sa kanyang tabi.

"Marta, alam kong nandiyan ka, Marta?" dugtong ni Mama. Mas lalo pa akong kinabahan.

"Ma, halika na." Hinawakan ko si Mama sa kamay ngunit tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Mar-"

Napatigil si Mama sa pagsasalita nang bigla na lang gumalaw ang mga ugat na nakatakip sa harapan ng kubo. Para bang tumatabi ang mga ito. Ilang segundo ang lumipas ay tumigil na sa paggalaw ang mga ugat at tumambad sa amin ang isang butas. Isang malaking butas na nagsilbing pintuan ng kubo.

"Wanda, may naririnig ka ba?" Tanong ni Mama sa akin sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.

Tinitigan ko ang butas at itinuon ko ang buong atensiyon ko rito.

May kung anong tunog na nanggagaling sa loob.

Tunog na parang lumilipad na patalim- "Ma, yuko!" Sigaw ko sabay hila kay Mama paupo.

Bigla na lang lumabas mula sa loob ng kubo ang isang umiikot na patalim papunta sa amin ngunit naiwasan namin ito nang hilain ko si Mama para makaupo. Tumama ang patalim sa isang puno na nasa likuran namin.

"Anong?!" Naiinis kong wika. Manggagamot ba siya o mamamatay tao?

"Anong kailangan ninyo rito sa pamamahay ko?!" Tanong na may halong pagkainis. Mula sa butas ay lumabas ang isang matandang babae. Umuugod-ugod na ito at kulubot na rin ang balat dahil sa sobrang katandaan.

May mahabang buhok at gusot-gusot na damit. May hawak itong tungkod na may kurting ulo ng ahas sa dulo.

"Marta? Magpapagamot lang kami." Nanginginig na wika ni Mama.

Dahan-dahan kaming tumayo.

Siya si Marta?

"Oo, ako nga," biglang sagot ng matanda habang nakatingin sa akin.

Sandali, sa isip ko lang 'yun sinabi ah?

Nababasa niya ba ang isip ko?



"Magpapagamot? Sige, pasok kayo."

Tumalikod siya at dahan-dahang naglakad papunta sa loob ng kubo.

Sumunod naman kami ni Mama, habang naglalakad ay hindi namin mapigilang kabahan at baka'y mayroon na namang kung anong biglang lumabas kung saan at papatayin kami.

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon