Kabanata 6

67 57 32
                                    

"Naka ilang liko na ba tayo?"

"Hindi ako sigurado, pero sa tingin ko pang limang liko na natin 'to," sagot ko kay Dion.

Hindi ko alam kung gaano ka haba ang kuwebang ito para abutan kami ng ilang oras sa loob. Hindi ko rin malaman kung dere-deretso ba ang paglalakad namin o bumabalik lang kami sa kung saan kami nagsimula kanina dahil sa sobrang dilim at sa daming pasikot-sikot.

Tahimik lang ako pero itong si Dion hindi na natahimik kakasigaw at kakareklamo. Ang dami raw kasing maliliit na insekto at kulang na lang mangisay siya sa katatalon at kasisigaw. Natanong ko tuloy sa sarili ko kung lalaki ba talaga siya.

"Pagod ka na ba?" tanong niya ulit.

"Bakit ikaw?"

"Ayos lang naman ako pero kasi ikaw 'yung inaalala ko, babae ka tapos payat pa." Halos hindi niya matapos ang sasabihin niya dahil sa sunod-sunod na paghinga.

"Talaga lang ah? Ako pa ngayon ang pagod e ikaw nga itong halos hindi na makahinga," pamimilosopo ko rito.

Inirapan ko ito kahit alam kung hindi niya ito makikita dahil sa sobrang dilim. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya na tila ba nahihiya.

"Oo na, magpahinga muna tayo." Wika ko sabay upo at sandal sa gilid.

Kaagad rin itong umupo matapos marinig ang sinabi ko at hindi ko mapigilang matawa nang mapansin ang malalim niyang paghinga.

"Bakit ka pa kasi sumama? Halata namang hindi ka sanay sa mga ganito."

"Buong buhay ko nasa bahay lang ako. Nakakalabas lang ako kapag nagbabakasyon kami ng buo kong pamilya at kapag niyayaya ako ng mga kaibigan kong mag bar," may halong lungkot sa tono ng kanyang boses.

"Bakit hindi ka lumalabas?" Tanong ko rito.

Kadalasan kasi sa mga mayayaman halos hindi na umuuwi ng bahay dahil laging namamasyal kasama ang mga kaibigan.

"Abogado kasi si Papa at kilalang negosyante naman si Mama. Si Papa laging nakakatanggap ng banta galing sa mga taong nakalaban at natalo niya sa korte habang si Mama naman marami ring galit sa kanya, kadalasan sa kanila mga kakompetensya niya sa negosyo," malungkot niyang saysay.

"Ibig sabihin hindi ka makakalabas ng ikaw lang dahil sa mga banta sa mga magulang mo?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

Ngayon ko lang nalaman na hindi naman pala masaya ang maging mayaman. Hindi lahat ng mayaman nagagawa ang gusto.

"Iyon na nga."

Tumayo siya at naglakad ng ilang hakbang papunta sa unahan habang ako ay nananatili paring nakaupo.

Naisip kong maswerte parin ako kahit mahirap lang kami dahil nagagawa naming matulog ng mahimbing sa gabi at hindi kami kinakabahan kapag nasa labas kami dahil wala namang galit sa amin. Aanhin mo 'yung maraming pera kung hindi ka naman makakalabas ng bahay na ikaw lang, at aanhin mo 'yung kayamanan kung sa bawat paglakad mo ay lumilingon ka sa likod mo para siguraduhing walang nakasunod sa iyong kalaban.

Napangiti ako sa gitna ng pag-iisip.

Sa tingin ko hindi naman pala masyadong malas 'yung buhay ko. Naghihirap man kami ngayon pero nagpapasalamat parin ako dahil nabigyan ako ng pagkakataong iligtas ang pamilya ko

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon