Dumating na ang araw ng pag-alis namin. Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw ay gising na kaming lahat at naghahanda na sa aming pag-alis.
''Buti na lang talaga dito tayo pinatulog ni Ricky kagabi,'' sambit ni Mica sa akin. Ipinatawag kasi kaming lahat ni Ricky kagabi at sinabing dito na lang sa kanyang bahay matulog-- oo, ang bahay na ito ay pagmamay-ari ni Ricky at ito lang yata ang bahay na tanging hindi nadamay sa sunog dahil masusi niya itong binantayan. Magkasama kami ni Mica sa silid na ito habang ang tatlong lalaki ay nasa kabilang kwarto.
''Anong dadalhin natin?'' tanong ni Mica habang nakahawak sa isang malaking bag.
''Bakit may nakita ka pa bang gamit? Ako kasi wala eh, nasunog lahat," sarkastiko kong sagot sa kanya. Alam na ngang nasunog ang lahat ng gamit, e, magtatanong pa.
''Nabanggit sa akin ni Ricky na may mga gamit silang inihanda para sa atin sa South kaya huwag ka nang mag-alala," dugtong ko.
May mga yabag kaming narinig papalapit sa silid na kinaroroonan namin at kasunod nito ang pagbukas ng pinto at tumambad sa amin si Ricky na nakasuot ng kulay itim na toxedo.
''Aalis na tayo ngayon," sambit niya ng makapasok.
''P-pero hindi pa tayo nakapag agahan ah?'' pagrereklamo ni Mica. Bahagya akong napangiti sa kanyang mga pinakawalang salita ngunit sa kabilang banda ay masasabi kong may punto rin siya.
Tumingin si Ricky sa kanyang suot na relo pagkatapos ay inayos ang kanyang suot na necktie.
''Dalawang oras lang ang byahe natin. Makakarating tayo sa south eksakto alas syete mamaya kaya doon na tayo kakain. Hihintayin ko kayo sa sasakyan.'' Pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon ay lumabas na ulit ito at isinara ang pinto.
Kaagad naman kaming tumayo at naghanda ng makalabas si Ricky pagkaraan ay sabay na kaming lumabas ng silid. Pagkalabas namin ay sakto naman ang paglabas ng kasama naming mga lalaki sa kabilang kwarto kaya napangiti kaming lahat.
''Sabay-sabay na tayong bumaba," wika ng isang lalaki. Nakangiti ito habang nakatingin sa amin.
''Sandali, sino ka nga ulit?'' biglang pagsingit ni Mica.
Aminado kaming hindi pa namin kilala ang iba naming mga kasama dahil hindi naman kami binigyan ni Ricky ng pagkakataong magpakilala sa isa-isa.
''Arthur, Arthur ang pangalan niya. Ako naman si Mino. Itong isa, si Zach," sabat ng isang lalaking may dilaw na buhok na may singkit na mga mata. Inabot niya ang kanyang kanang kamay para makipagkamay at tinanggap naman kaagad ito ni Mica na may ngiti sa labi.
''Ako naman si Mica.''
Napa iling na lamang ako. Basta gwapo talaga hindi niya pinapalampas. Bigla ko tuloy naalala si Dion. Simula ng magising ako hindi ko siya nakita, saan kaya siya nagpunta?
''Kayo, ano pang hinihintay niyo? Bumaba na kayo rito at aalis na tayo!'' Sigaw ni Ricky mula sa baba kaya naman agad na akong bumaba ng hagdanan ng walang sabi-sabi.
Pagdating namin sa baba mayroong dalawang sasakyan na naghihintay sa amin.
''Kayong mga babae dito kayo sa sasakyan ko sasakay habang iyong mga lalaki naman doon kayo sa isang sasakyan.''
Si Ricky ang magmamaneho sa sasakyan namin habang sa kabila naman ay isang may katandaan na ring lalaki ang magmamaneho. Siguro ay kasamahan ito ni Ricky.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang kahabaan ng daan papuntang south. Si Mica ay nakapikit at halatang himbing na himbing sa pagkakatulog habang ako ay nakatingin lang sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang nadadaanan naming mga puno sa paligid.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//
FantasiOnce upon a time, in a faraway land, there was an isolated long lost city where all people believed in superstitions-----but what if they discover that their city was secretly ruled by a dark witch? Will they all be saved from death? *** Ipinangana...