Nagpatuloy at tumagal ang pagkukwentuhan namin sa loob ng silid na iyon kasama si Ricky. Ipinaliwanag na rin niya sa iba naming kasama ang tungkol sa itim na mangkukulam at sa mga nangyareng kakaiba na lingid sa kanilang kaalaman.
"Maraming pamilya ang nawalan ng hanapbuhay at tirahan, paano natin sila tutulungan?" tanong ng isang lalaki kay Ricky.
Matapos sabihin ni Ricky sa akin ang lahat ng nangyare at pati na rin ang pagkakamaling nagawa ko ay hindi na ako nagsalita at tumahimik na lang habang sila ay nagpatuloy sa pag-uusap. Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at saka ipinikit ang mga mata.
"Sa ngayon pagkain lamang ang aming tanging maibibigay sa kanila kaya napagpasyahan naming 'yung mga pamilyang nawalan ng bahay ay makikitira muna doon sa pamilyang hindi nasunugan ng bahay o doon sa mga puwede pang matirhan," tugon niya.
"Paano naman po kami? Ang sabi ninyo kaylangan naming mag ensayo?" pagsingit naman ng isa pang lalaki.
Inangat ko ang ulo ko at tiningnan si Ricky.
"Dadalhin namin kayo sa South kung saan nandoon ang inihanda naming lugar para sa inyo. Aalis tayo sa makalawa kaya ihanda niyo ang sarili niyo," sambit ni Ricky. "Sya nga pala, hindi natin kilala ang ating kalaban at alam nating makapangyarihan ito, importante si Wanda sa misyon natin kaya protektahan niyo siya sa abot ng inyong makakaya," dugtong pa niya.
Huminga ako ng malalim habang ang iba naman ay tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Ricky.
"Umpisa ngayon tatawagin namin kayong emblems dahil kayo ang magiging simbolo ng bayang ito. Makakaalis na kayo."
Isa-isang nagsitayoan ang lahat at pagkatapos ay sunod-sunod na ring lumabas ng kwarto. Batid sa mukha ng iba ang saya at pananabik habang ang iba naman ay bakas parin ang lungkot sa mukha.
Tumayo si Mica kaya tumayo na rin ako para makaalis ngunit bigla akong pinigilan ni Ricky kaya nagpaalam na lamang ako kay Mica at sinabing magkikita na lamang kami sa labas. Tumango naman ito at saka umalis. Bumalik ako sa pagkakaupo at nagtatakang tiningnan si Ricky.
"May sasabihin ka pa ba?" pagtatanong ko sa kanya. Siguro ay may mahalaga siyang sasabihin na hindi dapat marinig ng iba naming kasama.
"Gusto kong magtiwala ka sa akin," sambit niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Isa sa mga kaya naming gawin bilang isang kalahating witch ay ang magpalit ng anyo at magpanggap na isang normal na tao," dugtong pa niya.
Bigla kong naalala ang dalawang halimaw na nanlinlang sa amin ni Dion sa loob ng kuweba. Nagpalit ito ng anyo bilang isang magandang babae at gwapong lalaki ngunit nang madiskubre namin ito ay bigla na lamang silang naging halimaw. Iyon siguro ang ibig sabihin ni Ricky sa kanyang sinabi.
"Alam ko," maikli kong sagot.
"Kaya naman huwag ka agad magtiwala sa ibang tao maliban sa akin at sa iba pang head na ipapakilala ko sa inyo sa oras na makarating tayo sa south," saysay niya.
"Siya nga pala, may alam ka ba kung bakit biglang nagbago ang buhok ko? At napansin ko rin na hindi na ako nanghihina sa tuwing may namamatay," ani ko.
"Dahil iyon sa pagkamatay ni Ether at walang nagbago sa'yo. Bumalik lamang ang tunay mong anyo."
"Anong ibig mong sabihin?" Dugtong ko rito habang nakakunot ang noo.
"Naapektuhan ka ng sumpa ni Ether kaya hindi humaba at naging kulay itim ang buhok mo. Dahil din sa sumpa kaya nanghihina ka sa tuwing may namamatay kaya nang mamatay siya ay nawala rin ang sumpa," paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//
FantasyOnce upon a time, in a faraway land, there was an isolated long lost city where all people believed in superstitions-----but what if they discover that their city was secretly ruled by a dark witch? Will they all be saved from death? *** Ipinangana...