''Panibago na namang umaga emblems, bumangon na kayo at pumunta sa audituryom pagkatapos ng tatlumpong minuto. Huwag kalimutang isuot ang nakalaang damit para sa araw na ito, nakalagay ang schedule sa loob ng ibinigay sa inyong bag. Maraming salamat.''
Kaagad akong bumangon matapos marinig ang boses na nanggagaling sa speaker na nakalagay sa ibabaw ng pintuan ng silid namin. Hindi ko napansin ito kahapun kaya naman nagtaka ako kanina ng tumunog ito at kaagad kong hinanap sa paligid. Mukhang boses iyon ni Ms Breggette.
''At sino namang nagbigay sa'yo ng pahintulot para magbigay ng anunsyo sa ganitong oras? Ang aga-aga pa eh!'' Pagrereklamo ni Mica na kakagising lang at kumukusot-kusot pa sa kanyang mata.
Tumayo ako at saka inayos ang higaan ko.
''Mukha bang boses ko 'yun? Si Ms Breggette kaya 'yun," sagot ko rito. ''Kapag hindi kapa bumangon diyan bahala ka, ikaw rin.'' Pananakot ko sa kanya kaya napabalikwas ito ng bangon.
''Maliligo kana? ako muna!'' sabay hablot niya ng kanyang tuwalya at saka patakbong pumasok sa cr.
Napailing-iling na lamang ako.
At dahil inunahan ako ni Mica na maligo kaya inilagay ko nalang muli ang bitbit kong tuwalya sa kama saka kinuha ang ibinigay sa amin kahapun na isang malaking bag na naglalaman ng mga damit.
Hapon na kasi nang inihatid ito kahapon kaya hindi ko na nagawang ilagay sa kabinet. Siguro mamaya ko nalang ilalagay kapag wala na kaming gagawin.
Pagbukas ko ng bag ay may nakita akong isang kulay asul na papel na nakapatong sa ibabaw ng mga damit ko. Ito siguro ang binanggit ni Ms Breggette kanina na schedule sa pagsusuot ng damit.
''Anong araw ba ngayon? Lunes? At dahil Lunes ngayon ang isusuot ay... kulay asul na bestida? Asul?'' Inilapag ko sa sahig ang papel at mabilis na hinalungkat ang damit ko. ''Hindi naman siguro kulay asul ang lahat ng damit ko diba?'' Bulong ko at nakapagpasalamat ako matapos makitang dalawang asul na damit lang ang nandoon.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.
"Sandali lang." Sambit ko saka agad na lumapit at binuksan ito. Nakita ko ang isang lalaking may dalang mga pagkain. Ito rin 'yung lalaking naghatid ng gamit namin kahapon. Kaedad lang din namin siya, ngunit may mahaba siyang buhok na hanggang balikat at may katamtamang laki ng katawan.
"Agahan niyo." Sambit niya sabay abot ng dalang pagkain sa akin. "Salamat," sagot ko naman rito.
Ngumiti ito at nagsimulang tumalikod.
"Sandali, anong pangalan mo?" pagpigil ko sa kanya.
Humarap naman siya sa akin at ngumiti. Mas lalo siyang gumwapo nang siya'y ngumiti lalo pa at mayroon itong mga mapupulang labi.
"Ako nga pala si Sean, anak ako ni Ricky. Pasensiya na hindi ako nakapagpakilala."
May anak si Ricky?! Ang gwapong lalaking ito ay anak niya?!
Inilahad niya ang kanyang kamay para makipagkamay na agad ko namang tinaggap.
"Ayos lang. Walang problema." Nginitian ko ito pabalik. Magtatanong pa sana ako kung bakit hindi siya kasali sa emblems at kung anong buhay meron siya ngunit biglang lumabas si Mica galing sa loob ng CR habang nakasuot lang ng tuwalya kaya dali-dali akong nagpaalam kay Sean pagkatapos ay mabilis na isinara ang pinto.
"Sino 'yun?" nagtatakang tanong ni Mica.
"Wala kana dun!" singhal ko rito. Nakakainis! Ang galing niyang tumayming.
Kumunot ang noo nito at halatang nalilito dahil sa sinabi ko ngunit nagkibitbalikat na lamang siya at pumunta na lang sa kanyang kama habang ako naman ay kinuha ang tuwalya at agad na pumasok sa cr para maligo.
BINABASA MO ANG
THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//
FantasiOnce upon a time, in a faraway land, there was an isolated long lost city where all people believed in superstitions-----but what if they discover that their city was secretly ruled by a dark witch? Will they all be saved from death? *** Ipinangana...