"Wanda gising, aalis na tayo."
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Dion na nakayuko habang nakahawak sa kamay ko.
"Aalis na tayo." Dugtong nito saka binitiwan ako at tumalikod.
Agad rin akong bumangon.
"Heto." Sabay abot niya ng flashlight sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay.
"Akala ko ba naiwan ito doon kasama ng mga gamit natin?" nagtataka kong tanong. Ngumiti ito at ipinahawak sa akin ang flashlight.
"Binalikan ko kanina nung tulog kapa pero 'yan lang ang nakuha ko," malungkot niyang wika.
Napapakinabangan naman pala itong lalaking ito kahit papaano.
"Ayos lang, malaking tulong na rin naman 'to," pampalubag loob kong sabi.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at dahil isa lang ang ilaw namin napagpasyahan ni Dion na siya na ang gagamit nu'n.
"Ako na ang mauuna, humawak ka lang ng mahigpit sa damit ko at sumunod sa akin. Huwag na huwag kang bibitaw," wika niya.
Sinunod ko ang sinabi niya. Humawak ako ng mahigpit sa likurang bahagi ng damit niya pagkatapos ay dahan-dahan na kaming naglakad.
Habang sumusunod sa kanya ay amoy na amoy ko ang kanyang napakabangong katawan. Mga mayayaman talaga kayang bumili ng pabangong hindi nawawala ang amoy kahit nadumihan na ang damit.
"Wanda, hindi ka ba natatakot?" Bigla niyang tanong sa akin sa kalagitnaan ng paglalakad namin.
"Matatakot? Saan? At bakit naman ako matatakot?" simple kong sagot dito.
Sandali siyang natahimik bago sumagot.
"Alam kong sa puso ng gubat kung saan nakatira ang itim na bruha tayo pupunta. Hindi ka ba natatakot sa kanya?"
Napabitiw ako sa pagkakahawak sa damit ni Dion matapos marinig ang sinabi niya. Natahimik ako at napahinto sa paglalakad.
Bakit niya nalaman?
Hindi niya napansin ang pagbitaw ko sa kanya kaya nagpatuloy ito sa paglalakad habang ako ay nakatingin lang sa kanyang likod.
"Paano mo nalaman?" nagtataka kong tanong.
Iyong oras na iyon niya lang napagtanto na hindi na ako nakahawak sa damit niya. Lumingon siya at itinapat ang ilaw sa akin kaya napatakip ako sa mukha ko.
"Bakit bumitaw ka? Sinabi kong huwag kang bibitaw hindi ba?! Paano kapag naiwan ka? Hay!" may halong pagkainis sa tono ng kanyang boses.
Nagmadali siyang bumalik sa kinaroroonan ko at nang mapalapit sa akin ay kaagad niyang kinuha ang isang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.
"Anong ginagawa mo?" nagtataka at may halong pagkairita kong tanong.
"Mas mabuting ganito para nasigurado kong kasama parin kita." Wika niya sabay hila sa akin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at sa oras na ito ay magkahawak na ang kamay namin. Ramdam na ramdam ko ang kanyang malambot na palad dahil sa sobrang higpit ng kanyang paghawak sa akin.
"Noong bata ako, nabanggit ni yaya sa akin ang tungkol sa nakatirang witch sa puso ng gubat dito sa norte. Akala ko noong una gawa-gawa niya lang 'iyon hanggang nakilala kita," mahinahon niyang salaysay.
"Kaya mo ba ako sinamahan dito ngayon?"
"Iyon na nga. Una kitang nakita noong may namatay na lalaki sa canteen. Sumisigaw ka noon tungkol sa itim na usok. Doon ako umpisang nagduda tungkol sa sinabi ni yaya at simula nun hinahanap na kita palagi sa loob ng skwelahan."
BINABASA MO ANG
THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//
FantasyOnce upon a time, in a faraway land, there was an isolated long lost city where all people believed in superstitions-----but what if they discover that their city was secretly ruled by a dark witch? Will they all be saved from death? *** Ipinangana...