Kabanata 20

16 9 0
                                    

_//Bago ang lahat gusto ko munang pasalamatan ang lahat ng bumasa sa kwentong ito at sa mga nagbabasa pa lang huwag kalimutang iboto at mag komento. Salamat!❤//_

___________

Nakatayo sa harap ng isang napakalaking bahay sa gitna ng kakahuyan. Sobrang tahimik ng paligid at tanging huni lang ng kuwago ang aking naririnig. Nakapagtataka na sa ganito kalaking bahay ay wala man lang akong ingay na naririnig at wala rin akong nakikitang ibang tao maliban sa taong sinundan ko kanina na pumasok sa loob at hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas.

Sa garahe ng bahay ay mayroong nakaparadang itim na sasakyan at mukhang bago ito ngunit halatang hindi ginagamit dahil sa makapal na alikabok at mga dahon sa bandang likuran ng sasakyan.

Nasa labas ako ng kwarto kanina habang tinitingnan ang mga bituin sa langit at para na rin magbantay sa paligid nang may bigla akong nahagip na anino. Parang nanggaling ito kung saan natutulog ang ibang emblems kaya naman tahimik ko itong sinundan kaya napadpad ako rito sa harap ng isang malaking bahay.

Nakasuot ng mahaba at kulay itim na damit ang taong sinundan ko kaya hindi ko ito namukhaan at nakilala. Naalala kong ito rin ang lugar na binanggit ni Mica sa kanyang sulat. Ibig sabihin dito nakatira ang anak ni Ether?

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng bahay ngunit hindi ko kaagad ito binuksan. Sandali akong nagmasid sa paligid at ng masiguradong walang ibang tao ay saka ko pa marahang binuksan ang pinto.

Isang malawak na sala ang tumambad sa akin. Naka sindi ang mga ilaw ngunit walang tao. Mayroong mga silid sa paligid ngunit ang lahat ng pinto ay nakasarado at merong mahabang hagdanan sa aking harapan papunta sa ikalawang palapag kung saan tanaw ko rin mula sa kinatatayuan ko ang mga nakasaradong pinto.

Normal lang ang bahay na ito. Kung titingnan ng mabuti ay walang makikitang kahina-hinala ngunit iba ang kutob ko. Alam kong may kakaiba sa bahay na ito lalo pa't anak ni Ether ang nakatira rito. Isa pa hindi ko rin alam kung ano ang nasa loob ng mga kwarto at baka'y may mga sikretong silid pa na hindi ko nalalaman.

Hinanda ko ang sarili ko bago maingat na naglakad papunta sa kauna-unahang kwarto. Pinihit ko ang doorknob at namangha ako ng malamang hindi ito naka lock.

Sinadya ba itong iwang nakabukas?

Sumilip ako sa loob at katulad ng pagpasok ko sa sala ay nakabukas rin ang ilaw at walang tao. Pumasok ako at maingat na isinara ang pinto para hindi makagawa ng ingay.

Isa lang rin itong normal na kwarto. Mayroong kama at iba pang gamit ngunit wala akong nakikitang mga damit na talaga namang nakakapagtataka. Hahagip ng mga mata ko ang isang malaking kabinet malapit sa kama na nag-iwan ng tanong sa isip ko at pakiramdam ko ay hindi ko magagawang lumabas sa kwartong ito ng hindi nalalaman ang laman ng kabinet na iyon kaya naman linapitan ko ito at walang ano-ano'y agad na binuksan.

Walang kahit anong laman ang kabinet ngunit mayroong nakadikit na ulo ng isang nakangangang tigre sa gitna ng kabinet at nakaharap ito sa akin. Maliit lamang ito kaya siguro isa lang itong palamuti.

Isasara ko na sana ang pinto ng kabinet ngunit nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang nagliwanag ang mga mata ng nakaukit na tigre at agad-agad ay may lumabas na palito mula sa nakanganga nitong bibig na tumama sa tiyan ko.

Hindi ako nakailag dahil sa sobrang bilis ng pangyayare at dahil na rin sa liit ng palito. Dali-dali kong isinara ang pinto at napaatras ng ilang hakbang. Tiningnan ko ang tiyan ko at nakita ko ang isang maliit na palito na nakabaon sa itaas ng pusod ko. Noong una ay wala akong naramdaman ngunit paglipas ng ilang minuto ay bigla akong nanghina na para bang gusto kong matulog.

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon