Kabanata 16

20 17 0
                                    

Third person's POV

Sa bahay ng anak ni Ether, matapos ang nangyare sa Erethia ay ramdam ang lungkot sa buong bahay. Kinuha ng anak ni Ether ang kanyang katawan sa Erethia at dinala ito sa bahay niya upang bigyan ng magandang libing. Ilang araw rin itong ibinurol sa napakalaking bahay na ipinagawa ng anak niya.

"Kumain po muna kayo. Ilang araw na kayong nakabantay malapit sa kabaong ng reyna," sambit ng isang utusan sa anak ng reyna.

"Sabihin mo, bakit kinailangan itong gawin ni Ina?" malungkot na tanong ng anak ni Ether sa kanyang utusan.

"Dahil gusto niya po kayong protektahan," sagot naman ng utusan dito.

Hindi na sumagot ang anak ni Ether sa halip ay tinitigan lamang nito ang kanyang namayapang ina at para bang may kung anong iniisip.

Ipinaalam sa kanya ni Ether ang plano nito at noong una ay ayaw niyang pumayag ngunit pinilit siya ni Ether dahil iyon lamang ang tanging paraan para masagip ang isa sa kanila.

Alam kase ni Ether na kapag namatay siya sa ibang araw bago o matapos ang kaarawan ng kanyang anak ay hindi malilipat ang kanyang kapangyarihan dito at kapag nangyare iyon ay siguradong madali lang para kina Wanda ang patayin ang kanyang anak.

Mahina ang kapangyarihan na taglay ng kanyang anak dahil hindi puro ang dugong mangkukulam nito. Si Ether lamang ang mangkukulam sa kanilang pamilya dahil ordenaryong tao ang ama ng bata kaya nang ipanganak siya ay mahina lamang ang taglay niyang kapangyarihan.

"Matanong ko lang, bakit hindi ninyo inabangan si Wanda nang pumunta siya sa gubat? Isang magandang pagkakataon 'yun para patayin siya," tanong ulit ng utusan sa anak ni Ether.

"Alam mong hindi ko iyon kayang gawin. Nakita mo ba kung ano ang nangyari kay Ina? Sa tingin mo kaya ko siyang patayin na hindi pa nalilipat sa akin ang kapangyarihan ni Ina?" may halong pagkainis ang boses ng anak ni Ether.

Yumuko ang utusan dahil sa takot, alam niya kasing isang maling salita pa ay mapapatay siya nito.

"Pasensiya na po." Nakayukong sambit ng utusan. "Kailan niyo po balak ilibing ang reyna?" dugtong pa niya.

"Gagawin natin iyon sa susunod na araw. Maiwan ka rito, bantayan mo si Ina. Mag-eensayo lang ako sa itaas." Sambit ng anak ni Ether pagkatapos ay umalis at umakyat sa ikatlong palapag ng kanyang bahay na mala mansyon.

Pagdating sa itaas ay pumasok siya sa isang sikretong silid. Isa iyong malaking kwarto na puno ng kagamitang pandigma at doon siya pumupunta kapag gusto niyang mag ensayo.

Naglakad siya papunta sa pinaka gitna ng kwarto pagkatapos ay taimtim na tumayo roon habang nakapikit ang kanyang mga mata at nakabuka ang dalawang palad.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula ng makita ang kulay itim na kapangyarihang tuluyang bumalot sa kanyang katawan. Umiikot ikot ito sa kanya at nang ibuka niya ang kanyang mga mata ay biglang nagbago ang kulay nito. Ang dating kulay itim na bilog sa kanyang mata ay napalitan ng pula na kasing pula ng dugo.

Ito ang kapangyarihang naipasa sa kanya matapos mamatay ang kanyang ina. Isang itim na kapangyarihan na kasing lakas ng kidlat at kasing sakit na nanunuot sa kalamnan.

At doon sinimulan niyang igalaw ang kanyang mga kamay at kasabay ng paggalaw nito ay siya rin ang pag-ikot niya. Pagkatapos umikot ng ilang beses ay itinapat niya ang kanyang nakabukang palad sa isang sementong estatwa na nakatayo sa gilid at agad-agad ay nawasak ito at naging pino matapos tamaan ng kapangyarihan ng anak ni Ether na lumabas sa kanyang palad.

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon