Nine

697 13 4
                                    

"Why wouldn't I be formal? You're my boss and I'm just an employee." Inayos ko din ang dress ko.

"Maybe because, I would and will fire you, if you continue being so formal." Ngumiti siya at tumalikod.

Napanganga na lang ako sa mga sinabi niya. "He's so unbelievable Dahil lang dun tatanggalin niya ako?" Bulong ko sa sarili ko.

"Follow me Anna, if you want to continue working for me." Nagsasalita siya habang palayo sa akin, palabas ng pantry. Wala akong nagawa kun'di ang sumunod sa mga gusto niya. Sabi ko nga kanina, I'm just an employee and he's my boss.

"Have a sit." Itinuro niya sa akin ang upuan sa harap ng table niya. Umupo ako doon at tinignan ko siya habang umuupo din siya. "Alam mo na ba ang gagawin mo? Sigurado ka ba na kaya mo ang magiging trabaho dito? I don't tolerate quitters, Anna."

"Of course, kung hindi kaya, kakayanin pa din. But honestly, hindi ko pa rin naman alam ang mga dapat kong gawin, pinaalis mo kasi si Jean." Pagtataray ko. Feeling ko kasi minamaliit niya ang kakayanan ko.

"Sa tingin mo ba hindi kita kayang turuan?" tanong niya pero hindi ako sumagot.

Diretso lang ang tingin ko sa kanya. Alam ko na sinisindak lang niya ako. "I am capable of doing so many things, Miss Anna Miller."

"So teach me." Nagtaas ako ng kilay at ngumiti.

"Stop teasing me, Anna." He warned me. "You might end up in bed with me, when I tease you." He smiled, almost devilishly. "That will be your table." Tinuro niya habang tumatayo at naglakad papunta doon.

Nilingon niya ako at tinignan na parang sinasabi na sumunod ako. Tumayo naman ako in return sa tingin niya. Medyo inilayo niya ang swivel chair na red sa table at hinintay na umupo ako.

"Salamat." Sabi ko sa kanya nang inilapit naman niya ang upuan sa table.

"The fun begins here, Anna."

Nakatayo siya sa may likod ko. Inabot niya yung folder na nasa furthest side ng table. "Kailangan mo ingatan ang mga folder na may ganitong seal sa ibabaw. This contains highly confidential files."

"So, hindi ko pwedeng tignan ang mga iyan?" Sarcastic kong tanong.

Napangiti siya. "You can look at it, pero I have to make sure you're killed kapag may pinagsabihan ka ng mga nilalaman niyan."

"Ganun kahalaga ang laman nito?" Hindi ko napigilan na tumawa sa sagot niya. Masyadong brutal ang nasa isip ng taong ito.

"Joke lang!" Kengkoy nitong sagot pero hindi pa rin nawala ang pagkapormal ng kanyang aura. "These are the list of underground transactions. Walang dapat makakaalam na meron tayo nito."

"Walang dapat makaalam? Pero may mga nakakaalam?" I'm beginning to get curious.

"Meron, but they are limited to the ones I trust." Bumalik siya sa table niya at hinila ang sariling swivel chair. Nagtama ang paningin namin, ngumiti siya. "Nakakangalay kasi."

"Limited people? Sino sila? Pwede ko malaman? Para naman hindi ko mai-abot kung kani-kanino 'yan."

"You don't need to know. You'll meet them, hindi ko din naman hahayaan na kung sino lang ang hahawak ng mga iyan."

"Hindi mo hahayaan? Paano ako? Bakit mo hahayaan na makita ko ang laman nito?" Pagtataka ko.

"Yes." Tipid niyang sagot.

"Bakit nga? What's the difference between me and them?"

"Well, I feel you're trustworthy." He's answer made me blush.

"What makes you say that?" I asked flirtatiously. May kasama pang malanding paghalumbaba ang ginawa ko.

"Stop flirting with your boss, Anna." Saway niya sa akin.

"I am not flirting with you, Gabriel. Maybe you just find me irresistible." Ngumisi ako.

Napatingin lang siya sa akin at tumawa ng malakas.

"You're funny."

"Hindi masyado." Pagpapacute ko.

"Okay. Let's get back to the business. Anything that comes in this office, sa iyo muna dadaan. And it's the same with anything na lalabas sa opisina." Seryoso niyang sinabi. "Bukod kay Miss Jean at sa nga bodyguards, ikaw ang sunod kong pagkakatiwalaan."

"I'm flattered Gabriel." Ngiti ko sa kanya. "Is it okay na Gabriel na din lang tawag ko sa iyo?"

"Yes, pero if you prefer honey or baby, okay din lang." sarcastic niyang ngiti.

"Stop flirting with your employee, Mr. Gabriel." I playfully showed my tongue, parang bata na nakikipaglaro at nang-aasar sa nakakatandang kapatid.

Napangiti naman siya. "Great comeback, Anna." Hindi na niya napigilan ang pagtawa.

Buong umaga ay tinuruan niya lang ako ng mga dapat kong gawin dito sa opisina niya. Feeling ko tuloy napakaspecial ko dahil siya mismo ang nagtuturo.

Twelve na ng tanghali, hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasalita tungkol sa duties ko. Hindi ko alam kung hindi lang niya napapansin o talagang ginugutom lang niya ako. Bigla siyang napatingin sa aking nung narinig niyang tumunog ang sariling alarm ng tiyan ko. Bahagya niyang inayos ang kanyang wrist watch na mukhang mamahalin at tinignan ang oras.

"Sorry, hindi ko napansin ang oras. Nag-enjoy kasi ako sa pagpapahirap sa iyo." Ngiti niya. "Saan ka ba maglulunch?"

"Okay lang. Nag-enjoy din naman ako sa pagpapahirap mo. Uhm... Hahanap na lang ako ng restaurant. Or may canteen ba kayo dito sa building?"

"Meron pero wag ka na bumaba. I'll just order lunch. Ano ba gusto mo?"

"Wag na, nakakahiya."

"You deserve it, kahit gutom ka na hindi mo ko pinapatigil. It's a reward."

Napatawa naman ako ng malakas. "Reward? Parang aso lang?"

He looked at me with amused eyes. "Hindi naman sa ganun, Miss. I wouldn't take no for an answer."

"Okay, but I'm craving for steak. It costs too much for a reward."

Hindi siya nagsalita. Kinuha lang niya ang cellphone niya at nagdial. "Hello. Pa-deliver ng dalawang steak meal." Tumingin siya sa akin. "How about drinks? What o you want?"

"Pineapple juice na lang." sagot ko.

"Isang pineapple juice. Isang black coffee. Dalawang bottled water... 'Yun lang... Thanks. And dalawang slices ng chocolate cake... Sandali lang." tumingin ulit siya sa akin."Anything else? Salad? Liquor?" Umiling ako at ngimiti."That's all. Thank you."

"Ang dami naman ng order mo, kaya mo ba ubusin lahat?"

"Oo. Kaya natin ubusin yun."

"Wag mo ko idamay sa katakawan mo, boss. Small eater lang ako."

"Small eater ka? Talaga?" ngumiti siya nang nakakaloko. Yung tipong may second meaning ang ngiti niya. "Miss Miller? How old are you?"

"Twenty three. It's on my resume with my application letter, hindi mo ba nabasa?"

"Well, I might've overlooked it." Ngiti niya.

Nakakatuwa naman na pala ngiti pala ang boss ko. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa maraming bagay habang hinihintay naming ang pagkain. Halos buong buhay ko ay nai-kwento ko na yata sa kanya pero siya, hindi siya masyadong nagkwekwento. Ako lang halos ang nagsasalita at siya naman ay walang katapusan ang pagtatanong. Marami siyang tanong at lahat naman ay sinasagot ko.


Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon