Six

736 13 5
                                    

Kung hindi ko siya kilala, I might think na nababaliw siya. Kanina umiiyak, tapos ngayon parang bata na nagrerequest sa nanay niya kung ano ang gusto niya for dinner. But I know her, alam ko may tinatago siya. It's her way of keeping her thoughts inside her head.

"Pizza na lang, Anna-banana."

"Okay. Anong gusto mong flavour?" tanong ko kay Dianne habang pababa kami.

"Hawaiian pizza! Maraming pineapple!"

Tumango ako sa kanya. Hang makababa kamii ay kinuha ko na kaagad ang receiver ng telepono at nagdial para sa pizza parlor.

"Yes. I'd like to order a hawaiian pizza. With extra pineapples, please." Sabi ko doon sa sumagot ng tawag.

***

"Anna?" Tawag sa akin ni Dianne matapos kong maibaba ang telepono.

"Hmm?"

"Are you sure na okay ka lang?" Malambing niyang tanong.

"Oo naman. Bakit?"

"Wala lang. I just want to make sure."

Dianne hugged me tightly. I know she's really worried. I couldn't blame her. Alam ko na nakikita niya ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. Sabi nga nila, 'the eyes are the windows to the soul'.

***

After thirty minutes, dumating na any pizza na in order ko. It is just as Dianne wanted it' maraming pineapple. Halos magtatalon siya sa tuwa nung nakita niya na halos hindi na makita ang crust dahil sa pineapple.

Tahimik kaming kumain. Nagpapakiramdaman siguro kaming dalawa kung sino ang unang magsasalita. Then finally...

"Tell me about your boyfriend, Dianne." I can't stop the urge to ask anymore.

"Boyfriend ko? Wag na. Wala siyang kwenta." She answered me coldly.

"Ang harsh mo naman." Natatawa kong sagot.

"Seryoso. Wala siyang kwenta. Feeling ko nga niloloko lang ako ng lalaking 'yun. But of course, I couldn't stay away from him. Mahal ko siya, e. Hindi ko kayang iwan siya for some stupid thing that's bothering me." She said bitterly.

"Wow! Lakas makahugot. May dala ka bang baul galing Spain?" I said to make the conversation lighter.

Natawa na rin lang siya sa kakornihan ko.

"Pero tama naman, di ba? Kapag mahal mo, you're willing to take the risks para sa kanya. You can tolerate his mischief and you'll never be tired for understanding him."

"True." Sagot ko. "Pero lahat naman may hangganan, di ba? I mean, 'walang nagbibilang na hindi natatapos'."

"I think, malayo pa ako sa hangganan. At sana hindi niya hintayin na maka-abot ako sa dulo. Anyway, this is just a little misunderstanding, nothing big."

"Okay, pero anong balak mo? You love him pero you're hurting. Are you sure na mahal ka din niya?"

"You're asking weird questions, Anna. Of course he loves me." She smiled pero alam kong may masakit.

Nagkibit balikat ako sa kanya. "Wala lang. Naisip ko lang bigla."

"Just eat, Anna. Gutom lang 'yan."

Hindi na kami nag-usap pagkatapos noon. Inubos na lang namin ang pizza at nagligpit ng mga ginamit.

***

Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon