Thirty Five

436 11 4
                                    

"Congratulations, Dianne!" Niyakap ko siya. "Ako ang na-e-excite sa mga nangyayari."

Napalingon ako kay Gabriel na ngayon ay nakangisi at nakatingin sa akin.

"Dude! Good Job! Congrats!" Binawi lang niya ang tingin niya sa akin nung lumapit sa Lance.

"Kuya, mauunahan kita this time."

"Don't worry, I'm not too far behind." Ngumisi ulit siya at tumingin sa akin.

"Ehem." Don Miguel's way of getting attention. "Let's enjoy the night people. Hit it dj!"

***

Lumabas muna kami ni Gabriel. Masyado nang naging maingay ang party. Umuwi na yung ibang matatandang guest kaya halos pumutok na ang speakers sa tugtog.

"Nakakainggit sila, ano?"

"Bakit ka naman maiinggit? Once upon a time naman, ikinasal ka na."

"So, ikaw pala ang dapat mainggit." He chuckled.

"Ako? Bakit ako? Nag-e-enjoy pa naman ako. Kaya nga hanggang ngayon, single pa din ako."

"What?"

I knew he'd react.

"You heard me right, Mister Gabriel Anderson. Wala naman kasi akong manliligaw kaya wala akong magiging boyfriend."

"So gusto mo na ligawan kita? Oh my God, Anna! We're in the 21st century, hindi na uso 'yun. Sa States nga, kapag nagkiss ang dalawang tao, considered nila na couple na ang mga 'yun." Angal ni Gabriel.

"Hindi naman kita pinipilit na ligawan ako." I smiled bitterly. "Kung gusto mo na ganun ang mangyari sa lovelife mo, you're free to go sa States."

"Feeling teenager." bulong ni Gabriel na narinig ko naman.

"May sinasabi ka ba d'yan, Gabriel?" pang-aasar ko sa kanya.

"Ah, wala. Sinasabayan ko lang yung kanta."

"Sus..."

Lumabas din si Lance at Dianne. Pasalamat ka sa kapatid mo, Gabriel Anderson.

"Kuya! Let's celebrate!!!" Sigaw ni Lance na halatang tinamaan na ng alak sa katawan.

Inabutan niya kami ng tig-isang shot ng whiskey.

"Bar hopping tayo!" Dagdag pa niya matapos namin inimun ni Gabriel ang shots.

"No. Lasing ka na." Sagot naman ni Gabriel. Killjoy talaga ang older brother ni Lance.

"Where's Dianne?" singit ko bago pa sumagot si Lance kay Gabriel.

"I'm here." Sigaw ni Dianne habang papalapit sa amin. Mukha ng kamatis si Dianne. Lasing na din siguro ang isang 'to. "This is my night Anna. Bar hopping tayo... Please... Please... Make Gabriel say yes. Please..."

She's using her famous puppy dog eyes, the one that I can't resist. I looked at Gabriel, pleading.

"Fine! In one condition."

"Anything." Sagot ni Dianne at Lance.

"Anna needs to kiss me. Dito" Tinuro niya ang pisngi niya.

"No way!" I refused.

"Come on Anna!" pagmamakaawa nung dalawang soon-to-be husband and wife.

Without kissing Gabriel, pumayag ako. I don't want to kiss him, not while he's still married.

***

"Come on Anna!" pagalit na sabi ni Gabriel sa akin.

Pinipilit niya kasi akong sumakay sa kotse niya when I insisted na gagamitin ko na lang yung kotse ko.

"But I want to drive!" I'm giving him one of my hard-to-handle tantrums.

"I'll let you drive to the bar. Just please ride with me."

Hiningi ko sa kanya ang susi na agad naman niyang ibinigay.

***

Madaming tao, magulo at maingay. Nagsisimula nang mag-inom sina Lance at Dianne nang dumating kami.

"Stop when you know you had enough." Bulong ko sa bestfriend ko na nagsasayaw habang may hawak na baso ng rum.

Pakiramdam ko, ganun din ang sinabi ni Gabriel sa kapatid niya. Medyo narinig ko kasi yung sagot ni Lance.

"Of course, kuya, kasama ko ang fiance ko."

As for me and Gabriel, casual drinking. Nakahanap kami ng isang bakanteng booth na nasa sulok ng bar. Medyo tahimik sa parteng 'yon.

"Ngayon ko lang ulit nakita si Dianne na ganyan kasaya." bulong ko kay Gabriel.

"Really? Kahit nung mga bata pa lang kayo?"

"Oo. Nung..." Hindi ko na naituloy yung sinasabi ko.

"Nice to bump into you, guys." bati ni Alexanda na kasama pa din si Joshua"

"I wish I could say the same." I bitterly smiled.

"Can we join you?" tanong niya kay Gabriel pero ako ang sumagot.

"Sure." I smiled. "Kung sadyang makapal ang mukha mo." I took a sip from my wine glass. This is a bar pero they offer high class wine to those who are not fond of beer and liqour.

As expected, umupo si Alexandra sa tabi ni Gabriel. Joshua, on the other hand was hesitant. Hinila lang siya ni Alexandra kaya no choice na siya.

"Hey! Anong ginagawa nila dito?" Halos sigaw ni Dianne na kababalik lang galing dancefloor.

Hindi ako sigurado kung sumakto lang ang pagbalik niya o nakita lang niya na umupo si Alexandra sa booth namin kaya siya bumalik. One thing's for sure though, pakiramdam ko gusto niyang sunggaban si Alexandra. Of course, she's angry. Nabasa niya yung journal ko, kaya alam na alam niya kung paano ako nasaktan nung biglang nawala si Joshua.

"Nakiki-upo. Wala kasing vacant na table or booth." pa-inosenteg sagot ni Alexandra.

"So kapag walang available, makikishare ka na lang kahit alam mo na taken na?" Hugot na hugot ang sinabi ni Dianne.

Naisip ko tuloy, paano pa kung si Dianne mismo ang naagawan? I chuckled kaya naman napatingin silang lahat sa akin pero hindi pa din natatapos ang awayang Alexandra at Dianne.

"Be careful sa mga sinasabi mo. Baka gusto mong pabagsakin ko ang kompanya ng mga Anderson? Para maghirap kayong dalawa ng fiancé mo!" nagtataray na naman si Alexandra.

"Let's see you try." Pagbabanta ko sa kanya.

Inagaw ko ang isang shot na whiskey kay Joshua at ininom ko.

"You drink?" gulat na tanong ni Joshua.

"Hindi pa ba halata?" mataray kong tanong sa kanya.

"Well, dati kasi hindi ka umiinom. What happened?"

"You happened!" yung mas bitter kong bestfriend ang sumagot.

Natawa na ako ng tuluyan. The truth? He's the reason. Everytime kasi na naiisip ko siya, gusto ko na lang mag-inom. I drink to hide the pain and lie to myself na okay lang ako. I pretend na masaya pa din ako.

Hindi na sumagot si Joshua. He looked guilty.

"Don't look so guilty, Joshua. Okay na ako, knowing that you ended below my standards."

Tumayo ako at hinila si Gabriel patayo. "Lipat n tayo ng bar. Bumabaho na ditto. Amoy bulok na basura na pinulot ng isang mabahong basurera."

***

"Feisty!"natutuwang sigaw ni Lance nung nasa parking area na kami. "My brother likes his women rough." Dagdag pa niya.

"True." Sagot naman ni Gabriel. "Pero natatakot ako, baka mas lalake pa sa akin 'to."

Binatukan ko siya at nagtawanan kaming lahat.


Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon