Sixteen

537 14 5
                                    

"Anna?" seryoso niya akong tinawag.

"Yes Gabriel?"

"Sit!" utos niya sa akin

"Lakas maka-aso, a." Bulong ko sa sarili ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Siguradong narinig niya ang side comments ko. Me and my big mouth, lagot ako nito.

"Ililipat kita ng office." Panimula niya pero bumalik naman agad ang tingin niya sa mga papel sa ibabaw ng mesa.

"Ha?" Gulat kong tanong. "Bakit?"

Shit! Ito na yata ang parusa ko.

"If you're thinking na bababa ang rates mo, don't worry, it'll stay. Everything will stay as it is. You're still my lucky secretary. Hindi magbabago ang rates and privileges mo. I just want to move you to Miss Jean's department. And that means, may additional na trabaho na ibibigay sa iyo. I think you can handle it."

"As you wish..." sagot ko bago ako tumalikod.

"Hey Anna?"

"Yes? Do you need anything else?" seryoso akong sumagot.

Natigilan siya sandal. Siguro ay nabigla sa bitterness ng sagot ko. Umiling siya bago magsalita.

"Paki-ayos na lahat ng gamit mo. I'll call the maintenance man later para tulungan ka maglipat."

"Okay." Maikli at seryoso ang mga sagot ko para naman malaman niya na ayoko sa mga naging desisyon niya.

"May mga box sa storage room kung kailangan mo." Tumango ako.

Mabagal akong nagpunta sa storage room para kumuha ng mga box. Tinuloy naman niya ang trabaho niya. Pirma dito. Pirma doon. Send ng e-mail. Research ng statistics. Made some phone calls. Ang dami niyang ginagawa pero lagi siyang tumitingin sa akin. Ano kaya ang trip niya?

"Gabriel?" mahina ko siyang tinawag. "Ayos na ang mga gamit."

Hindi na siya nagsalita. Tinawagan na lang niya ang maintenance man at si Miss Jean.

Ilang minuto lang ang nakaraan, bumukas na ang pinto.

"Gabriel?" bungad ni Miss Jean.

"Ililipat ko muna si Anna sa department ninyo. Pwede mo siyang utusan na gumawa ng ibang trabaho na gawain din ng isang secretary. Pero bawal mo siyang utusan na lumabas ng building, not unless pumayag ako. She's still my secretary kaya on call siya. Don't give her something that has to be done continuously para okay lang kung bigla ko siyang kailangan. Am I clear, Miss Jean?"

"Yes, Gabriel."

"Anna?" Bumaling siya sa akin. He stared for a while pero agad din itong nawala. "Hintayin mo yung maintenance man. Miss Jean, dito ka na din muna. Ituro mo yung magiging table ni Anna."

Parehas kaming umupo ni Miss Jean sa sofa, hinihintay na dumating ang maintenance man. Pagkalipas ng halos sampung minuto, nainip na ako sa pag-iintay. Naisip ko tuloy na magsound trip muna. Nilabas ko ang earphones ko, ikinabit sa phone ko at pinatugtog ko ang isa sa mga favorite songs ko.

The loneliest time in the world

When shedding your skin

Try to begin and rebuild again

Voices aren't loud enough

You're tuning your ears

While waiting for something to hear

Do you know who you're running from?

At dahil nga favorite song ko ito, napapikit ako habang nakikinig. Trip na trip ko kasi na namnamin ang lahat ng elements ng kanta. Yung rhyme and rhythm, yung instruments at yung boses ng vocalist. At para sa akin, I am a true dubista.

Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon