Thirty Four

464 12 3
                                    


"Okay. That was unexpected." He smirked. "Kaya dun sa mga gold digger and cheaters, be careful. Baka kasi nameet n'yo na kung sino ang karma n'yo. You wouldn't know when they'll strike."

Nagtawanan ang lahat maliban kay Alexandra, Madamé Rebecca at Joshua.

"Don't leave yet, may announcement pa ako." Sigaw ni Don Miguel nung nakitang palabas na sina Alexandra kaya napilitan silang bumalik.

"It has been twenty six years simula nung itinayo ko ang Anderson Group of Companies, and I think it's about time that I give my throne to someone worth my trust. To someone na naghirap din for our company. It's time for him to take over. Gabriel, anak, prove me that I'm doing the right thing. And why not Lance? Dahil may ibang announcement s'ya. Malalaman n'yo mamaya. For now, I'm calling Gabriel for a speech. Gabriel?"

"Wow! I don't know what to say." Tumingin siya kay Don Miguel na kabababa lang ng mini stage. "Thanks dad. Ito na siguro yung best thing na mangyayari sa'kin. I'll make you proud dad. Hinding hindi kayo magsisisi. But dad, honestly, this is terrifying. Hindi ko alam kung mapapantayan ko ang galing n'yo sa pamumuno dito. But I promise to give everything I have para magpatuloy lang ang tagumpay ng kompanya natin. To my brother, Lance. Dude! Tulungan mo ako ha? Iisusumbong kita dyan sa magandang babae na hawak mo ang kamay."

As an answer, tumango si Lance na ngayon ay katabi ko at hawak ang kamay ni Dianne.

"And that reminds me, you have an announcement, di ba?"

Tumango ulit si Lance.

"Well, the floor is all yours."

Bumababa sa stage si Gabriel at bumalik sa tabi ko. He kissed my cheek na para bang na-miss niya ito ng sobra. I smiled and gave him a smack.

Lance held Dianne's hand as they made their way sa stage. He left Dianne sa pinakamalapit na point sa stage. Mukhang kinakabahan ang mokong. Si Dianne naman ay naiiyak na napapangiti.

"A few years ago, pinadala ako ng parents ko sa Spain dahil sa kapilyuhan ko. Akala ko malulungkot ako dahil wala akong kakilala dun. Akala ko magiging mas badboy ako. Akala ko mas magwawalang'ya ako. But in contrary, naging mas mabait ako. Let's just say na nakahanap ako ng katapat ko. 'Coz I met this girl. A specific girl who kicked my butt on the first day of school. Ayaw pala n'ya ng may na-bu-bully, pero the funny thing is, s'ya mismo ay binully ako." Natatawang kwento ni Lance.

"She's bullying the bully. And hindi s'ya natatakot. She faced me every single day na parang wala lang kahit sobrang naasar ko s'ya kahapon. Then one afternoon, I saw her crying sa bleachers ng school. I asked her kung ano ang problema n'ya. She wouldn't say kasi akala n'ya aasarin ko s'ya pero she was wrong. Instead of bullying her, I sat beside her. Nung una nagtataka s'ya pero she never asked. Bakit nga ba hindi?" he looked at Dianne na parang nagtatanong talaga.

"Habang tumatagal, lalong lumalakas yung pagiyak n'ya. I felt sad. I didn't know how to take her pain away. So, niyakap ko s'ya. I let her know na nandun lang ako. Tapos dun s'ya nagtanong kung bakit. I simply said, 'ayoko na may ibang nang-aasar sa'yo'. After that day, naging close na kami. Unti-unti na akong nahuhulog sa kanya pero I never said a word. I was afraid to lose her and our friendship kung maghihiwalay kami. I chose to be her best friend. At nung nagkaroon s'ya ng boyfriend, umuwi ako dito. Siguro two years akong nandito dahil hindi ko kaya na makita s'ya na masaya sa iba. Tapos bigla na lang s'yang tumawag sa akin, telling me na niloko lang s'ya ng p*tang *nang lalakeng 'yun. Bumalik ako sa Spain at hinanap ko yung ex n'ya. Inaway at ginulpi ko. Syempre pinigilan n'ya ko and she told me na hindi ko na kailangang gawin 'yun. alam n'yo ba kung ano ang sagot ko?"

FLASHBACK

"Pinili ko na saktan yung sarili ko para lang sumaya ka. Pinigilan ko yung nararamdaman ko sa'yo para lang di kita masaktan tapos hahayaan mo lang na saktan ka ng walang kwentang 'yan?" sigaw ni Lance kay Dianne.

"Sino ba kasi ang may sabi na gawin mo yan? Sinabi ko ba? Sana di mo na lang pinigilan! Sana di na ako nasaktan! Hindi mo ko sinaktan pero pinabayaan mo na iba ang manakit sa akin! Sana sinabi mo na lang na gusto mo ako para hindi na ako naghanap ng iba! Sana ikaw na din lang ang minahal ko Lance!" umiiyak na si Dianne at natauhan si Lance.

"I'm sorry Dianne. I'm sorry." Niyakap ni Lance si Dianne.

END OF FLASHBACK

"Pagkatapos nang nangyaring 'yun, two months kaming hindi nagpansinan. Sobrang namiss ko s'ya kaya gumawa na ako ng paraan para magkabati na kami. Highschool pa lang kami 'nun kaya napakadali lang ng lahat. Nag-iwan ako ng letters or flowers sa locker n'ya, minsan parehas meron. Nung una secret admirer lang hanggang sa unti-unti na akong nagpakilala ulit. Hinarana ko s'ya sa bahay nila. Everyday akong nagdadala ng lunch n'ya. Tapos niligawan ko s'ya and eventually sinagot n'ya ako. At ito kami ngayon, 10 years and counting."

Bumaba si Lance ng stage at lumapit na ulit sa best friend ko. Tumayo si Gabriel at kinuha ang isang bouquet ng bulaklak sa waiter sa likod namin. Iniabot niya ito kay Lance.

"Thanks dude." Sabi n'ya kay Gabriel

"Anytime." Tinapik naman ni Gabriel sa balikat si Lance.

"Dianne Marie Sanders, this is for you."

Mangiyak-ngiyak na tinanggap ni Dianne yung bouquet.

"Hoy Lancelot Andreson! Tinipid mo na naman ba ako? Isang bulaklak na lang yung kulang, one dozen na 'to. Grabe ka talaga! Kuripot!"

Natawa naman si Lance. Tama kasi siya na mapapansin 'yun ni Dianne.

"Bintangera! Hindi yan kulang. Sadyang inihiwalay ko lang yung last na bulaklak." Ngiti ni Lance. "Honey! Come here, baby girl!"

Kitang kita na nanlaki ang mata ni Dianne at nagsisimulang magalit pero nabawi naman agad. Nakita niya kasi ang isang puting aso na papalapit sa kanila.

"Dianne, meet Honey. Honey, meet Dianne."

May maliit na bag si Honey sa likod na may nakasuksok na red American rose, nasa gitna noon ang engagement ring. Kinuha 'yun ni Lance at lumuhod sa harap ni Dianne.

"Dianne Marie Sanders, will you marry me?"

Lumingon sa akin si Dianne na parang nagtatanong ang mga mata. Tumango ako at itinaas ang kamay ko na nakahawak sa kamay ni Gabriel, tsaka siya bumaling ulit kay Lance.

"YES!"


Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon