Twenty Two

528 10 4
                                    

"Hoy! Totoo ba 'to o magaling ka lang mag-edit sa photoshop?"

"Photoshop? You know I hate computers." Umirap si Dianne.

"Ayoko na talaga pumasok Dianne!" nagtalukbong na ulit ako ng kumot ko.

"Gaga! Pumasok ka. Mahiya ka naman sa boss mo!"

"Ayoko! Nakakahiya."

"Tumawag ka man lang para mag thank you."

"Good idea. I'll call him. Tapos magpapaalam na din ako na absent ako."

Kinuha ko yung cellphone ko and pressed the speed dial. Yes po! Naka-speed dial ang number ni BOSS Gabriel Anderson. Bakit? Dahil wala lang.

"Damn!"

"Oh bakit?" Tanong ni Dianne na ngayon ay nakahiga na ulit.

"Naubusan na ako ng load. Pagamit ng phone mo, Dianne. Please."

"I would pero wala din naman akong load. Maligo ka na at pumasok. No choice ka na."

***

"Good morning Gabriel."

"Good morning, Miss Jean." Lumingon siya sa paligid, sinilip niya din ang table ko. "Eight thirty na, di ba? Wala pa si Anna?"

"Wala pa. Hindi ko pa siya nakikitang dumaan." Sagot naman ni Miss Jean.

*****.

Naabutan ko na nag-uusap si Gabriel at Miss Jean sa may lobby. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

"Good morning, Boss. Miss Jean, good morning din po."

"Anna. You're late. It's your third..." panimulang sermon ni Miss Jean.

"It's okay Miss Jean. Nagsabi siya na late siyang dadating. I just didn't expect na she'll be this late."

Hindi na naituloy ni Miss Jean ang sasabihin niya.

"Ilagay mo na yung gamit mo dun sa table mo tapos sumunod ka sa office ko." Sabi ni Gabriel na nag-iwas ng tingin sa akin.

"Yes boss." Sagot ko. "Una na po ako sa loob, Miss Jean.

***

"I'm here." Bungad ko nung pumasok ako sa office niya. "Coffee?"

"No. Thanks. Gene got it for me." Sabi niya ng hindi nag-aangat ng tingin. He's busy with something, I guess. "Well, back to business. I need you to sort all those files according to the offices they need to go to."

"Okay. Anthing else?" pormal akong nagtanong sa kanya.

"That's all."

"Okay. Tatawagan ko na lang si Manong Pepito para ipapadala ko yung files sa table ko."

"No. Dito ka na lang magsort, para di ka na magpapabalik-balik kapag may itatanong ka."

"Alam naman yata ni Miss Jean ang mga ito, Sa kanya ko na lang itatanong."

"Yes, pero nasa meeting si Miss Jean ngayon. And besides, it's better kung sa akin mo itatanong. Mas alam ko 'yan."

"Okay."

Standing ovation ang peg ko while sorting. Wala na yung swivel chair and table ko dito sa office n'ya. It's like I have never been here.

Medyo napalingon ako kay Gabriel. He was staring at me. Sa halip na magalit ako, nahiya pa ako. I feel so special. Isang Gabriel Anderson ang tumititig sa akin.

Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon