Twenty Six

459 14 2
                                    

"Hey sleepy head." Niyakap ako ni Dianne pero hindi ko siya pinansin. "Breakfast is ready. Seven thirty na, you're gonna be late."

"I'm not going to work." Sagot ko.

"Why? Hindi ba okay sa Anderson Company?"

"It's fun. Ako yata ang hindi okay sa kompanyang 'yon." Malungkot kong sagot.

"What do you mean?"

"Wala. Kalimutan mo na. Ako lang yata ang nag-iisip 'nun."

"Okay, pero tumawag ka muna sa head mo. Kahit hindi kay Gabriel."

Tumango lang ako at nagtalukbong ulit.

Naiiyak ako. Naguguluhan. Am I still in love with Joshua? Or I'm falling Gabriel? Tumulo na ang luha ko. Wala na si Joshua. Hindi na niya ako babalikan. I wouldn't fall for Gabriel. I CAN'T FALL FOR HIM, NOT MY BOSS.

***

"You kissed her?" gulat na tanong ni Lance.

Tumango lang si Gabriel habang nakangisi. Hawak din niya ang kanyang labi na para bang inaalala yung halik.

"What was it like? Feeling ko enjoy na enjoy ka. Kanina mo pa hawak yang labi mo."

"Heavenly." Excited na sagot ni Gabriel.

"Walang'ya pare. Kinikilig ka ba? Ngayon lang kita nakausap ng ganito. Mukhang mapapatino ka nga talaga ni Anna Miller."

Binato niya ng ballpen si Lance. Buti na lang, nakailag ito.

"Nakakaintriga naman si Anna. Parang gusto ko tuloy subukan."

Tumaas ang kilay ni Gabriel. "Wag mo nang subukan, dude. Baka tayo ang magkasubukan."

"Whoah! Possessive! I'm just kidding. Alam mo naman na hindi ko kayang tikman ang nalapatan na ng labi mo. Sayong sayo si Miss Miller."

"Dapat lang." sumandal siya sa swivel chair niya.

"So, anong balak mo?"

"I'll make her fall for me." Mayabang niyang sagot.

"And how the hell are you going to do that?"

"I don't know yet. But I'll make sure she'll fall for me. HARD."

***

"Gabriel." Bungad ni Miss Jean. "Tumawag si Anna."

"Bakit daw? Hindi ba siya pumasok?"

Tumango si Miss Jean at ngumiti na parang may gustong iparating.

"Bakit daw? May sakit daw ba siya?"

"Nahihilo daw siya."

"Whoah, pare! Nakascore ka na agad?" sabat ni Lance.

"Gago!" irap niya kay Lance pero agad naman siyang bumaling agad kay Miss Jean. "Paki gawan na lang siya ng leave with pay."

Nagulat si Miss Jean sa utos ni Gabriel pero sinunod pa rin naman niya ito.

"Dude! You're willing to pay her nang wala siyang ginagawa? You're insane!" natatawang sabi ni Lance.

"Well maybe I am. Hindi naman siguro malulugi ang kompanya dahil sa sweldo niya."

"Magkano ba ang salary niya?"

"Maliit lang, just thirty thousand dollars."

"Don't you think that's too big for her?" tanong ni Lance.

"I don't care."

"Okay. I guess you can do whatever you want, it's your company.. At sabi nga nila, You do crazy stuff when you're in love." Lance admitted his defeat.

Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon