Thirty Two

430 9 2
                                    

Nagslowmotion ang lahat. Yung mga tao na nagsasayaw. Yung music. Si Alexandra na may sinasabing kung ano pero hindi ko naman naiintindihan. Si Gabriel na hinihila ako palayo sa lahat at tinatawag ang pangalan ko. Si Dianne na ngayon ay umiiyak na at yakap ni Lance. At unti-unti silang nawawala. Kami na lang ni Joshua ang nasa ballroom.

"Anna?" bulong ni Joshua na nakapagbalik sa akin sa totoong mundo. Lahat ay bumalik na sa normal.

"A-akala ko?" Nanginginig ang boses ko, ang buong pagkatao ko. "W-wala ka na, di ba?"

Everything becomes blurry, napupuno na pala ng luha yung mata ko. Naguguluhan ako. Gustong gusto ko nang tumakbo palabas. Iiwan ko si Gabriel, si Dianne, si Lance, si Alexandra at si Joshua. Iiwan ko lahat ng nakakasakit, makakasakit at masasaktan ko. Ayoko na! Gusto ko nang sumuko! Hindi ko na kaya!

Akala ko malakas ako. Akala ko, I'm invincible dahil nakaya ko ang halos apat na taon na wala akong kinakapitan. Akala ko kaya ko na, dahil nagtagumpay ako ng wala si Joshua sa tabi ko, pero bakit ganun? Nung nakita ko ulit siya, parang nanghina ulit ako? Akala ko talaga kaya ko na.

"Anna..." halos mawalan ng boses na sabi ni Joshua. "Let me explain. I'm sorry."

He was trying to touch me. Lumayo ako pero tuloy pa din ang pag-abot niya sa akin. Hinawi ni Gabriel ang kamay ni Joshua.

Tumingin sa akin si Gabriel, ang ngayon ay knight in shining armour ko. Nakita ko ang galit sa mata niya; kasama ang lubos na pag-aalala sa akin. And I thought to myself, this is how much he loves me.

"Explain what?" sigaw ko. "That you chose her over me?"

"It's not like that. I have my own reasons, Anna. Believe me."

"Believe you?! Ngayon?!" napaawang ang labi ko. "Ngayon na alam ko na niloko mo lang ako?! Pinaasa?! At sinaktan ng sobra?!"

"Pakinggan mo naman muna yung side ko." Umiling siya at yumuko.

Si Alexandra ay parang baliw na nakangisi sa tabi ni Joshua. Hindi siguro niya inaasahan na matatalo niya ako sa ganitong paraaan.

Biglang tumawa si Alexandra. "I just can't believe it. I didn't expect this. Ang isang Anna Hemsworth Miller ay natalo ko sa pag-ibig? And I thought, ako ang natalo. This is what karma gives you when you're a bitch."

"Shut up Alex!" saway ni Joshua. "This isn't about you and her anymore."

"I'm sorry, hon." Sincere na sabi ni Alex, then she gave him a kiss. Not just a normal kiss. Ito yung tipo ng halik na mahalay kung tignan.

Anong reaksyon ni Joshua? He just stood there. He kissed her back. He gave her an intense kiss. Yung parang pagpapawisan ka ng sobra pagkatapos.

Hinila na ako palabas ni Gabriel, halos kaladkarin na. Ayaw ko pang umalis pero hindi ko na kayang pigilan si Gabriel.

"Gabriel!" tawag ko sa kanya at parang wala siyang naririnig. "Gabriel!" tinawag ko ulit siya. This time hinigit ko na yung kamay ko na nabitiwan niya.

"Let's go, Anna!" galit niyang sigaw. "Ilalayo na kita dito."

"Why? Para magmukhang talo ako?!" sumbat ko sa kanya kahit alam ko na iniisip lang niya ang kapakanan ko.

"Let's just go, Anna." Paki-usap niya.

"Ayoko!" sagot ko sa kanya ng pasigaw. Tumalikod ako sa kanya at naglakad pabalik sa party.

"Ayoko din!" niyakap niya ako mula sa likod. "Ayoko! Ayokong makita na nasasaktan ka. Wag na tayong bumalik 'dun. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."

May biglang tumulo sa buhok ko, basa. Napangiti ako dahil naisip ko na baka tulo laway lang si Gabriel. Humarap ako sa kanya, nagulat ako nang nakita ko na tumutulo na ang luha niya.

"Hoy!" pinalo ko siya sa dibdib niya. "Ikaw ba ang nakakita ng ex-boyfriend? Bakit ikaw ang umiiyak?"

"Anna." Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Kapag ba nasasaktan ang mahal mo, tatawanan mo lang? Ako hindi. Galit na galit ako ngayon, Anna. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanilang dalawa kung babalik pa tayo 'dun. Ayokong gumawa ng gulo sa loob, kaya yung galit ko ay dinadaan ko na lang sa iyak. I'm not as strong as you Anna."

"Even if you're not as strong as me, you'll be my brave knight in shining armour." Hinalikan ko siya sa labi. "Wipe your tears. Babalik tayo sa loob. Ayokong masira ang party nila dahil wala ka 'dun. Hahanapin ka ng parents mo."

***

"Dude." Bungad ni Lance nung bumalik kami sa loob. "Hinahanap ka nina mom and dad."

"Anong sabi mo?"

"Nagpapahangin sa labas. Sasabihin na yata niya na magreretire na siya."

***

"Dad." Bulong ni Gabriel habang nasa likod kami ni Don Miguel.

"O, hijo, kanina pa kita hinahanap. Have you seen Alexandra's date?"

"Yes dad. Unfortunately, he's Anna's ex-fiance."

"Really? Kawawa naman pala si Anna. Once upon a time pumatol siya dun? Mukhang may tuberculosis."

"Dad naman."

"Well, look at him." natatawang itinuro ni Don Miguel si Joshua na katabi ni Alexandra.

***

"Ladies and gentlemen, if may have your attention please..." panimula ni Don Miguel.

In response, lahat ng tao doon ay tumingin sa kanya.

"I just want to acknowledge the presence of a very special guest. I think this is her first time to appear in public. Anna Hemsworth Miller is here."

You're right, ayoko talaga yung public appearances na alam nila kung sino talaga ako, pero hindi ako makatanggi nang si Don Miguel na ang nagpaalam na ipapakilala niya ako sa lahat. Of course, hindi naman ako pumayag dahil lang dun. Pumayag din ako dahil gusto kong ipamukha kay Alexandra at Joshua na kaya kong maging successful nang walang lalake sa tabi ko.

"Thank you, Don Miguel Anderson." Bungad ko nang binigay sa akin ang mic. "Good evening po sa lahat ng nandito." Ngimiti ako sa mga tao na nasa harap at sa iba na malayo pero nakangiti din. "Enjoying this evening?" sumagot sila in chorus. "Me too. I've met new and old friends na hindi ko inaasahan na nandito. Napaiyak ako, literally. Di ba halata sa mata ko?" I gave them enough time to look at them.

"Gusto n'yo malaman ang story behind my success?" umalingawngaw ang sagot nilang oo. Lahat sila dito ay businessman and woman kaya naman interesado sila.

"Well, I started with my own blog. Walang domain. It was just a simple blog na hosted sa isang blog platform. It's called wordpress kung familiar kayo. Day after day, I posted articles. Every evening, I checked the stats. Misan isa. Minsan wala. Swerte na kung makalima ng views yung blog ko in one week. Siguro, it took me three months to get one thousand views. It was the best thing that happened to me. Then one day, I received an e-mail. Galing 'yun sa isang sikat na blogsite. They're asking me to join their team. Binigyan nila ako ng isang domain name para sa blog ko. Yes, it was for free. Of course, I met friends sa team. Some of them, normal friends. Most of them, parang family na, but only one of them stood up amongst them. And guess who it was?"

I<x:D


Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon