Thirty Six

475 8 3
                                    

"Lipat ba tayo ng bar o sa bahay na lang tayo?" Tanong bigla ni Lance.

"Dun na lang tayo sa bahay n'yo para hindi na magreklamo si Anna na mabaho." Natatawang sagot ni Gabriel.

"Sige. Gaguhin mo ko, kapag tinopak ako, good luck sa'yo." Trip ko talaga magtaray ngayon.

"Syempro joke lang 'yun. Ito naman, hindi na mabiro." Niyakap niya ako galing sa likod and I think he's turned on. Ang init ng katawan niya ay ramdam ko kahit malamig ang paligid.

Nagtawanan ulit kami. Nakakatuwa lang. This night, normal na tao lang kami. Who would think na ganito kaingay ang CEO, kapatid ng CEO, multi-billionaire businesswoman at kaibigan ng isang multi-billionaire businesswoman? Who would think na magkakasundo kaming lahat while dapat kaming mag-away dahil sa power over company issues? Wala, di ba?

***

Nandito na kami sa bahay ni Lance. And by bahay, he means condo unit na napakaganda at napakalinis. Black and white lang yata ang alam niyang kulay.

"Follow me if you want to enjoy..." dramatic na sabi ni Lance.

"Ang daming alam na kalokohan, Lance." Nagtataray pa din ako hanggang ngayon.

"That's why I love him." Dianne said in a sexy voice.

Lance could not help but look at her. It's amazing to see to people in love with each other. Ganitong ganito din kami noon ni Joshua. Sh*t! Ngayon na nakita ko ulit siya, bumabalik ang lahat ng memories ko with him. Mukhang kailangan ko na naman mag-inom. (Author's Note: though kasama sa story ko ang pag-iinom kapag may problema, hindi ko pa din sinasabi na gawin o tularan n'yo ang characters ko. DRINK MODERATELY!)

They were about to kiss and dahil bitter ako...

"Excuse me... Saan nga ulit tayo pupunta?" tanong ko.

Naudlot ang paglalambingan nila. Dianne looks so mad na pakiramdam ko ay susugudin niya ako at sasabunutan. Kaya naman nagpeace sign ako sa kanya at ngumiti na parang bata, yung labas lahat ng ngipin.

Si Lance? Of course, wala siyang magagawa. 'Coz technically, I'm soon to be his 'Ate'. Whoah! I'm sounding a little bit assuming, this is not good. The only thing he could do ay ang sumandal sa pader at ngumiti ng wagas. I think I made him want Dianne more.

"Well, I think, we need to go on our separate ways..." tumayo ng ayos si Lance at lumapit kay Dianne, tsaka bumaling sa amin ni Gabriel. "Take all that you need and leave. Same floor lang naman tayo, di ba, kuya? But I'm telling you, my door will be locked."

"Too much information. Yuck!" pabirong sabi ni Gabriel.

"Okay... Time to go home." Malapit na ako sa front door.

"Good luck walking, Miss Anna Hemsworth Miller."

I stopped, tsaka tumingin kay Gabriel na hawak ang susi ng kotse niya. I forgot na hindi ko dinala ang kotse ko. I have no choice, I have to wait. Ayokong maglakad kaya naupo na lang ako sa zebra-patterned sofa ni Joshua habag hinihintay ko si Gabriel.

"Anna-banana... you need to see this." Sigaw ni Dianne na mukhang excited.

"No. Thank you. Wala ako sa mood magsight seeing." Dumadali na naman ang tantrums ko. Hindi ko alam kung ano ang nagyayari sa akin.

"I'm not kidding, Anna. You really need to see this..." Dianne insisted.

***

"Fuck!" the only word na nasabi ko.

Enthusiast ako ng wine and other spirits and tonight, I feel I found my haven.

"Can I have your house?" paulit-ulit lang 'yan sa utak ko.

Sinong liquor enthusiast ang hindi matutuwa sa isang room na puro alak ang laman? From ceiling to floor, puno ang anim na shelves. Kung aalisin sa bote o barrels ang lahat ng alak na nandoon, literal na babaha ng alak. Gusto kong tumira dito. Gusto ko tikman lahat.

"Can we stay?" parang bata kong tanong kay Gabriel.

Ngumiti lang siya kaya naman bumaling ako kay Lance. I know he wouldn't help me anyway.

"I'm sorry kanina dun sa nasirang moment n'yo ni Dianne. Hindi ko na uulitin 'yun. PROMISE. Just let me stay."

Tumawa lang silang lahat.

"Now I know your weakness." Mapang-asar na sabi ni Lance. "Take what you want."

***

Para lang umalis kami ni Gabriel, binigay niya ang top three most expensive wine sa collection niya (1. Domaine de la Romanee-Conti Romanee-Conti Grand Cru, Cote de Nuits, France, £8,310; 2. Henri Jayer Cros Parantoux, Vosne-Romanee Premier Cru, France, £4,894; 3. Egon Muller-Scharzhof Scharzhofberger Riesling Trockenbeerenauslese, Germany, £4,577). Pero s'yempre, hindi ko ipapa-inom kay Gabriel 'yun. Bibili kami ng beer. Asa naman siya na matitikman niya 'yun.

"Kabilang unit lang 'yung sa akin." Sabi niya nang nakalabas na kami ng unit ni Lance.

Nasa tapat kami nang pinto niya. He swiped the card key and automatic na nagbukas ang front door niya. At dahil makapal ang mukha ako, mas nauna pa ako sa kanya.

"That's good." Natuwa pa ang loko sa halip na ma-insulto. "Make yourself comfortable, di magtatagal, dito ka na rin titira."

"Ngayon ko lang namalan na magaling ka pala magjoke. Hahahahaha. Tama na, ang sakit na ng tyan ko." Pang-aasar ko sa kanya. "Tigilan mo ako, a. Baka gusto mo na akong umuwi."

"Go ahead." Matipid siyang sumagot at akmang bubuksan ang isang wine bottle na galing kay Lance.

"NO!"sigaw ko. "Fine! I'll stay!"

Sumalampak ako sa sofa niya. Ilang minuto lang ay umupo din siya sa tabi ko, dala ang dalawang baso ng wine at bote nang pinakamahal na wine na binigay ni Lance. Tinignan ko siya ng masama.

"What?" tanong niya nung mapansin niya na masama ang tingin ko sa kanya. "Ano na naman ba ang problema mo?"

"That bottle." Tinuro ko ang bote habang naniningkit ang mata ko.

"Yes." Confident niyang sagot. "Most expensive in the world." Mayabang niyang sabi.

"Sa'kin yan." Maluha-luha kong sabi.

"No. Akin 'to. 'Yun yung sa'yo. Hindi lang naman si Lance ang may pambili nito."

Ngumiti ako at kinuha ang isang baso sa table.

"Sarap..." I said under my breath.

"Wine enthusiast ka, di ba?"

"Yes." Proud kong sagot.

"Bakit hindi ka bumili at magcollect ng wine?"

"I believe in the saying na 'mas masarap kapag libre'. I'd rather get them for free."

"Mas masarap kapag alam mo na pinaghirapan mo." Tumango ako.

"Tama, pero for me, mas masaya kapag alam mo na binigyan ka kasi they appreciate you."

"Paano kung napilitan lang?"

"Well, you should be grateful kapag ganun."

"Bakit? Ang plastic naman kung ganun."

"Yes, pero you know na respected ka."

"You have answers for everything, don't you?"

"Yes." I smiled.

"Do you want me?" he asked.

"I don't know."

"What happened, Anna Miller? I thought you have answers for everything."

"I guess I don't, Gabriel."

He came closer.

"Gabriel... You're drunk..."


Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon