Thirty One

504 14 6
                                    

"Bring her. Knowing Alex, I'm sure she'll bring her new guy." Bulong ni Lance kay Gabriel habang nakikipagbonding sa magulang nila.

"Buti kung papayag 'yun. Good luck sa'kin." Natatarantang sagot ni Gabriel.

"Mas good luck sa'yo kung makikita ka nyang walang kasama."

"Kung si Gene na lang kaya?"

"Nababaliw ka na talaga, kapatid. She'll assume na niloloko mo lang si Anna. Magmumukhang kawawa si Anna." Natatawang sabi ni Lance.

"You're right. Headline na headline 'yun kapag nagkataon. Isang multi-billionaire na businesswoman, niloloko ng isang pipitsuging CEO."

"Tama. Di mo naman siguro gustong mangyari 'yun?"

"Hindi talaga. Baka ipapatay ako ni Anna."

"Praise the lord! Mukhang mapapatino ka na talaga ni Anna HEMSWORTH Miller."

Sabay silang nagtawanan.

***

♫Why are you my clarity?
Why are you my remedy?
Why are you my clarity?
Why are you my remedy?♫

Tumunog ang cellphone ko sa isang pamilyar na kanta at agad ko naman iyong sinagot.

"Hey!" bati ni Gabriel sa kabilang linya.

"Hi! Namiss mo na ako?" biro ko naman.

"Siguro. Nababaliw na yata ako sa'yo."

"Nope. Baliw ka na talaga, Gabriel Anderson."

"Oo na lang, Anna. On a serious note, Busy ka ba mamayang eight?"

"No. Bakit?"

"Punta tayo sa hotel?"

"What?!" gulat na gulat ako sa tanong niya.

"Dinner. Party. Sa hotel, di ba?"

"Right." Kalmado kong sagot. "Anong kulay ang suot mo?"

"Bakit?"

"Para complimenting colors ang suot natin. Alam ko naman na inimbitahan mo lang ako to make Alexandra, your wife, insecure."

***

"Hi. Kumain ka na?" bati ko kay Dianne na nag-aayos sa harap ng salamin.

"Sa labas na lang."

"Bakit?" nasa may kusina ako, kumukuha ng grapes. I craved for this all day.

"I have a date."

"Date?"

Dali-dali akong bumalik sa may salamin. Ngayon ko lang nakita na bihis na bihis siya at naglalagay pa ng make-up.

"With?" I gave her the, 'Uy! Boyfriend mo 'yan ano?' look.

"With someone special." Tipid niyang ngiti para hindi mahalatang kinikilig siya. "Kung gusto mo kumain, nagluto ako. Re-heat mo na lang sa microwave."

"No, thank you. May date din ako."

***

"Uy! Parang excited ka sa party, a?" bungad ni Gabriel sa kapatid nang madatnan niya itong naglalagay ng wax sa buhok.

"This is the night, kuya." Ngiting ngiti ang loko.

"Wow! Paki-ulit nga." Sarcastic nitong utos. "Tinawag mo akong kuya. Anong tonight is the night ang sinasabi mo?"

"Yes. I called you kuya. No big deal. I just did para naman maganda ang ireregalo mo sa'kin sa kasal ko."

Kasalukuyang umiinom ng wine si Gabriel kaya nasamid siya ng wine na iniinom. "Kasal?"

Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon