Fourteen

607 16 7
                                    

Ako naman yata ang nababaliw. I can't stop thinking about him. And the funny thing is, magkasama pa kami ngayon sa kotse pero hindi ko mapigilan na isipin ang scenarios namin sa kwarto ko. Bago ko pa lang siyang nakikilala pero at home na agad ako sa kanya. I'm like in a roller coaster ride. I felt happy but still haunted by my past. I'm scared.

"Hey. We're here." Sigaw niya na ikinagulat ko naman.

"Oh! Yeah. Thanks for the ride." Ngiti ko sa kanya. "Bukas na ba ang building or ikaw pa ang magbubukas?" Pang-aasar ko.

"Sira ulo." padabog niyang sagot sa akin.

Bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin. Kahapon at kagabi, ang sweet niya tapos ngayon ang cold na niya ulit. Pinapakiramdaman ko kung pagbubuksan niya ko ng pinto pero nadisappoint ako nung nakita ko na naglalakad na siya papasok ng building.

Nakasimangot akong lumabas ng kotse. Nakita ko na tumigil si Gabriel at nilingon niya ako. Hindi siya humahakbang. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Sumenyas siya na bilisan ko pero hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad na parang namamasyal lang sa park. Trip ko talaga siyang asarin ngayong araw.

Hindi na yata naka tiis ang loko, lumapit na siya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at madahang hinila papasok ng building.

"Get your hands off of me! I'm your employee but you don't own me." pagrereklamo ko.

Tinignan lang niya ko. And from my arms, pina-slide niya yung kamay niya papunta sa kamay ko. It sent shivers down to my spine.

God! We're holding hands.

Habang naglalakad, nakatingin lang ako sa kamay namin. Kung kanina nagwawala ako dahil sa paghila niya sa akin, ngayon ay speechless na ko. Pero hindi pwede ang ginagawa niya sa akin, baka kung ano ang isipin ng mga tsismosang makakakita.

"Hoy Gabriel!" sigaw ko na ikinagulat ko rin. Nagtinginan din yung dalawang janitor na nagwawalis at naglalampaso. "Bitiwan mo nga ako!"

Tumigil sa paglalakad si Gabriel. "Bakit? Ayaw mo ba ng ganito ang lalake sa iyo?"

"Ayoko!" Inirapan ko siya. "And besides, why are you doing this?" mataray kong tanong

"Dahil gusto ko. Masama ba?"

"Yes!"

"Bakit naman?" tanong ulit niya. Hawak pa rin niya ang kamay ko na ngayon ay nanlalamig na.

"Because this is very inappropriate." Umiwas ako ng tingin sa kanya. "You do that sa girlfriend mo. Hindi sa empleyado mo."

Marahas kong hinigit ang kamay ko sa kamay niya. Iniwan ko siyang nakatayo sa lobby. Sumakay ako sa elevator pero I kept the door open. Hinintay ko pa din na sumakay sya.

"I'll take the stairs." Suplado niyang sabi bago tumalikod.

Hindi na ako nagsalita. umatras na lang ako para magsara yung elevator door.

"Ano na naman kaya ang problema ni Gabriel? Ang moody niya naman. Second day pa lang ng trabaho ko pero feeling ko super stressed na ako. Kaya ko ba talaga?" Iniisip ko kung ano ba talaga ang nangyayari kay Gabriel. Hindi ako mapakali. I feel somewhat guilty kung bakit siya ganun. "Kasalanan ko ba? Ano ba ginawa ko? May nasabi ba ako?"

Nakabukas na ang elevator door pero hindi pa din ako gumagalaw. Tulala pa rin ako tapos biglang may humigit sa akin.

"Hoy Anna!" Ano ba ang nangyayari sa iyo? May iniisip ka ba?" Nakatingin ako sa kamay niya na nakahawak ulit sa kamay ko. Wala pa rin akong reaction. "Yuhooo! Anna! You there?" Pinisil niya ang kamay ko at dun lang ako bumalik sa realidad.

Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon