Fifteen

522 14 5
                                    

Gabriel's Point of View

"Second day pa lang kitang kasama pero grabe na ang impact ng personality mo sa akin. Ano ba ang meron ka? Your smile? Your words? Or maybe your whole being.It feels so strange, imposible naman na magkagusto ako sa kanya."

Natapos na akong maligo pero wala pa rin si Anna.

"Saan ka na ba nagpunta, Anna?" nakatitig ako sa upuan niya.

Hinanap ko siya sa buong opisina. Wala sa pantry. Wala sa comfort room.

"What?! Wait! Bakit ko ba siya hinahanap? Malaki na siya. Siguro naman kaya na niya ang sarili niya."

Halos kakaupo ko pa lang nung biglang bumukas ang pinto.

"Sir?" tawag nung guard.

"Bakit?"

"Si Ma'am Anna po kasi..." Bigla akong napatayo. Kinakabahan ako.

"Bakit? Anong nangyari?!" pasigaw kong tanong.

"Nahihilo daw po siya."

"What? Where is she?"

"Nasa lobby po, Sir." Kabado niyang sagot.

Hindi ko na hinintay na maka-alis yung guard sa pinto, tumakbo na agad ako palabas. Sa pagmamadali ko, nasanggi ko yung siya pero hindi ko na siya nilingon. Dumiretso ako sa elevator.

"Anak ng tinapa! Kasalanan ko yata 'to! Sana okay lang siya. Sana kasi hindi na lang siya lumabas."

Hindi ako mapakali sa loob ng lift dahil sa pag-aalala. Fuck! Gusto kong suntukin ang pinto ng lift pero pinigilan ko ang sarili ko. I need all my strength para kay Anna.

Ting!

Nasa ground floor na ko. Hindi ko na din hinintay na tuluyang bumukas ang pinto ng lift dahil nagmamadali ako. Pagkalabas ko ay nakita ko na agad si Anna, naka-upo sa sofa. Nakapikit. Nakasandal. Hindi gumagalaw. Dahan-dahan, nilapitan ko siya.

"Anna?" mahina kong tawag sa kanya.

Bumaling ako sa dalawang janitor na kasama niya.

"Anong nangyari?"

Unti unting nagmulat ang mata niya. Ngumiti siya na parang walang nangyari.

"Nahihilo ako." Mahina niyang sagot.

Sinubukan niya na tumayo pero natumba pa din siya. Mabuti na lang at nasalo ko siya.

"Hoy! Okay ka lang?" Nakasandal siya sa dibdib ko at amoy na amoy ko ang usok sa kanyang buhok. "Saan ka ba nagpunta? Bakit amoy usok ang buhok mo?"

Madahan niya akong itinulak at umupo ulit siya. "Bumalik ka na sa taas. Okay na ako. Susunod na lang ako mamaya."

"No." medyo napalakas ang pagkakasabi ko at halatang nagulat siya. "Ano ba kasi ang ginawa mo? Bakit ganyan ang nararamdaman mo?" Napaupo na rin lang ako sa sofa. Nakatungo lang ako, hinihintay na maging okay ang nararamdaman niya.

"Nahihilo ka din ba?" bigla siyang nagsalita. Nakangiti siya, yung pilyang ngiti na halatang nang-aasar kaya alam ko na medyo okay na siya.

"Hindi. Hinihintay ko na maging okay ka na. Kaya mo na ba? Balik na tayo sa opisina."

"Sige."

"Kaya mo na ba tumayo?"

"Oo." Pagmamayabang niya.

Sinubukan niyang tumayo pero hindi pa din niya kaya. Naka-ilang beses na niyang sinubukan pero hindi pa rin talaga siya makatayo. She looks frustrated kaya nilapitan ko siya at akmang bubuhatin nang magpilit na naman siyang tumayo. Siguradong nahihilo pa din siya dahil kusa siyang napapaupo sa sofa.

Stand Still: Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon