Chapter One

223 11 0
                                    

I was just wondering...

And thinking...

What if during that summer...

I didn't go on vacation at my Father's place and I just spent my whole summertime in my room?

Ano nga kaya ang magiging katapusan ng kwento ko? Ng buhay ko?

Gusto ko sanang balikan...

Baguhin...

Pero di na pwede...

Paggunita? Oo, iyon na nga siguro ang pwedeng gawin ko.

Kahit pa nga paulit-ulit.

At hinding-hindi ko talaga pagsasawaang ulit-uliting sariwain ang mga alaalang iyon.

Paano ko nga ba makakalimutan?

That once during the summertime of my life...

Ang unang bakasyon ko sa loob ng labingwalong taon ng buhay ko at ang unang beses na mawalay ako ng matagal sa piling ng Mama ko. Hindi naman strict and clingy si Mama. Nag-aalala lang naman siya na baka may mangyari sa akin kapag mawalay ako sa kanya. At dahil ayoko ding maging pabigat sa kanya,  naging masunuring anak ako at kahit minsan hindi ako humiling na mapalayo sa kanya.

Pero sa sandaling iyon...

Iyong panahong iyon...

Hiniling ko talaga sa Mama ko na payagan niya ako na makapagbakasyon sa lugar ni Papa bilang regalo niya sa ika-labing walong taong kaarawan ko.

And the moment when my Mama granted my wish, I was so ecstatic. As in! Hindi ko talaga alam kung saan ko ilalagay ang kasiyahang nararamdaman ko.

Pati nga din ang panahon nung araw na iyon. Nakiramay din sa kasiyahan ko. Kulay asul pa nga ang kalangitan. Banayad din ang ihip ng hangin na pasimpleng dumuduyan sa mga namumukadkad na mga bulaklak. Nagsiliparan din ang mga paru-paru na para bang tuwang-tuwa ang mga ito pagkat tag-init na naman.

Mainit na nga ang panahon. Ramdam na ramdam ko na nga ang init ng panahong iyon na kasing init din ng mahigpit na yakap ni Mama. Ang kanyang mahigpit na yakap pa nga ang dahilan kung bakit hindi ko pa din magawang maihakbang ang mga paa ko. Talagang hinabol niya ako ng kanyang mahigpit na yakap na parang bang ayaw niya akong mawala sa piling niya, kahit pa nga alam niya na naghihintay na sa akin ang na-book kong sasakyan.

"Anak, promise mo sa akin na kapag andoon ka na. Hinding-hindi mo papabayaan at papagurin iyang sarili mo." Inulit na naman ni Mama ang paalala niya.

Halata ko naman na alalang-alala siya sa pag-alis ko. Pasimple nga akong ngumiti para lang maipa-feel ko sa kanya na magiging okey lang ako at sinuportahan ko din ng paghawak ng mahigpit sa kamay niya.

"Mama, matanda na po ako. And I also knew all my limitations. So please trust me and don't worry, okey?" Tugon ko kay Mama.

Isang malalim na butonghininga ang pinakawalan ni Mama tas tumango ito. "Of course. I always trust you, my Summer. At tsaka sorry na. Hindi lang talaga mawawala sa akin ang hindi mag-alala. Alam mo naman na your my precious daughter, diba?" Sabi niya sa akin.

Napapansin ko naman na para bang iiyak na si Mama, kaya naisipan ko ang umalis na, bago pa man may mangyaring iyakan.

"Okey na, Mama. And don't worry too much. Mai-stress ka lang eh. Bad pa naman ang stress dyan sa baby na nasa belly mo. Remember! Always be happy para healthy si baby!" Pagkasabi ko kay Mama agad kong hinalikan ang pisngi niya tas dali-dali akong lumabas ng bahay at sumakay na sa sasakyan.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon