Chapter Eight

8 0 0
                                    

Kailangan kong lumayo, umiwas at magtago.

Kung pwede nga lang pumunta sa Mars o di kaya biglang maglaho.

Kung bakit naman kasi sinimulan ko. Gayong, hirap akong tapusin ito.

Nahirapan talaga ako ng mga sandaling iyon, kasi nga, gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang makita. Pero kung susundin ko ang kagustuhan ko. Sigurado ako, siguradong-sigurado ako, masasaktan ko siya. At ayokong masaktan ko si Rain kaya't tiniis ko.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para layuan si Rain. Hindi ko pinupuntahan o di kaya'y dinadaan ang mga lugar na posibleng makita ko siya. Sinisigurado ko din na hindi mabakante ang oras ko. Dapat talaga lage akong abala, para kahit papaano, nakakalimutan ko ang mag-isip sa kanya.

Naramdaman ko rin naman na ayaw niya akong makita at makausap. Ni hindi man lamang niya kasi ako dinalaw. Hindi rin siya tumawag sa akin at kahit isang mensahe, wala akong natanggap mula sa kanya. Pero palagay ko, mas mabuti na rin siguro yun, para hindi na nga kami magkita. At hindi na din kami mahirapang putulin ang string ng pagkakaibigan na nakatali sa aming dalawa.

Buti na lang, dinadamayan ako ng buong pamilya ko na para bang naramdaman nila na may pinagdadaanan ako. Isinama nila ako sa pamamasyal. Sinisigurado din nila na may gagawin ako kahit na nasa bahay lang ako.

Minsan naman may ipinapagawa sa akin si Tita Daday, paggupit ng mga art work para sa mga bata na nasa bahay ampunan. Kasama ko naman lage sina Botyok, Popoy, Yohan, Lulu, at Lucas. Wala raw kasing gagawin ang mga ito, kaya't naisipan ni Tita Daday na imbitahan sila sa bahay. Akala nga ng mga batang ito na may handaan sa bahay, iyon pala pagtatrabahuin sila.

"Dapat may sahod tayo nito. Kasi ginamit ang oras natin, eh." Reklamo nga ni Botyok habang ginugupit niya ang isang papel.

"Oi! Wag ka ngang mukhang pera! Isipin mo na lang na nakagawa tayo ng kabutihan. At alam mo ba na ang lahat ng mga mabubuting gawain ay ginagantimpalaan iyon ng Panginoon." Saway naman ni Lulu kay Botyok.

Sumingit din sa usapin si Popoy. "Malaki ba ang gantimpala ng Panginoon?" Inosenteng tanong niya.

Nag-enjoy nga ako sa pinag-usapan nila. Kaya't nakinig lang ako at hindi na sumingit sa kanila.

"Malaki! Malaking-malaki!" Ang sumagot ay  si Lucas.

Parang hindi naman naniwala si Yohan kaya nga nakisali na din siya sa usapan.

"Wee! Di nga? Ba't si Papa? Napakaraming mabubuting gawa ang ginawa niya. Pero imbis na makatanggap ng reward. Pinatay naman siya?" Malungkot na tanong ni Yohan.

Naramdaman ko naman na para bang maiiyak na si Yohan. Naisip kong baka naalala ng bata ang ama niya at siguro akong namiss niya ang Papa niya. Isang sundalo kasi ang Papa ni Yohan at namatay ang Papa niya sa serbisyo.

Sumingit agad ako sa usapan nila para gumaan ang pakiramdam ni Yohan. "Yohan, minsan kasi may mga pangyayari sa buhay na hindi natin naiintindihan." Payo ko kay Yohan.

Pero maling salita ang nasabi ko, nahalata ko kasi na naguguluhan lang si Yohan kasi kumunot-noo na ang bata at napakamot pa ng ulo.

"Aynaku! Ang gulo mo, Ate Sum! Ayan! Naguluhan tuloy si Yohan sa'yo!" Komento ni Botyok.

Ngumiti ako. "Aah! Ganoon ba." Tanging tugon ko tas nagsalita ulit si Botyok.

"Oi, Yohan! makinig ka sa akin. Kasi ito iyong pinakasimple. Hindi lahat ng ginagawa mong kabutihan, nasusukian din ng kabutihan. Ako nga binibigyan ako ni Mama ng one hundred pesos. Tapos sabi niya sa akin, fifteen pesos lang daw iyong sa akin. Pero hindi ko na siya binibigyan ng sukli. Oh! diba! Ang wais ko." Paliwanag ni Botyok at parang proud pa siya sa sinagot niya.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon