Chapter Nine

7 0 0
                                    

Sa mga lumipas na araw.

Halos palagi ko nang nakakasama si Rain na para bang wala na kaming sinasayang na mga oras.

"MAI SUMMER!!!" Sigaw ni Rain. "MAI" ang napiling tawagan namin ni Rain dahil parang katunog ito ng "MY" sa salitang ingles.

Agad ding hinayaan ni Rain ang buo niyang katawan na dumaosdos sa mahabang sliding area na ginawa nina Botyok, Popoy, Yohan at ang pinuno ng lahat ng kalokohan —si Rain. Gawa ito sa pinagdugtong-dugtong na mga trapal tapos inilagay nila sa mataas na lugar at nilagyan nila ito ng tubig na may sabon para madaling madulas ang katawan kapag dumausdos dito. Marami ngang pumila para subukan ang DIY slide nila at kasama ako doon.

"Ako naman!" Punong pananabik kong sabi habang nakataas ang dalawa kong kamay tas mabilis akong dumausdos.

"MAI RAIN!!!" Sigaw ko din at gusto ko pa sanang ulitin pero pinigilan ako ni Rain.

"Tama na!?" Saway nga niya sa akin tas tinakpan din niya ang katawan ko nang tuwalyang bitbit niya.

Lumabas naman ang nguso ko. "Isa lang naman, eh."

"No! Magbihis ka na." Agad niyang tugon sa akin.

At alam kong nag-aalala siya sa akin kaya't sinunod ko na lang din ang sinabi niya. Pero maging siya ay hindi na din umulit sa pagslide na para bang gusto niya akong samahang manood na lamang sa mga batang dumausdos sa slide na ito.

"Ba't di ka na umulit? Okey lang naman ako dito, ah." Tanong ko sa kanya.

Parehong napalitan na namin ang mga damit naming nabasa at nakaupo na kami sa ilalim ng punong mangga.

"Ayoko na din eh."

"Talaga? Baka gusto mo pa at napilitan ka lang tumigil dahil wala akong kasama dito."

Tumingin siya sa akin tas hiniwakan niya ang baba ko. "Hindi, ah. Pinili kong samahan ka dito. Mas masaya kasi ako kapag katabi kita."

Kinilig naman ako sa sinabi niya. "Aaaeee... Ang sweet mo naman." Nakangiti ko ngang sabi sa kanya.

"Sweet ako? Bakit natikman mo na ba ako?"

"Aynaku! Wag nang pilosopo, okey." Sabi ko sabay pisil sa pisngi niya.

Pero parang nabasa ko naman sa mga mata ni Rain ang kalungkutan kaya't parang nadurog tuloy ang puso ko. Umiwas nga agad ako sa pagtingin kay Rain at tumingin sa mga bata nang biglang lumapit sa amin si Michelle.

"Ate Sum, gusto mo bang sumali sa Santa Cruzan ngayong susunod na linggo?" Biglang tanong sa akin ni Michelle.

"Ay! Syempre, join ako dyan. First time ko ngang sumali sa mga ganyan eh." Hindi na nga ako nag-atubiling sumagot kasi gusto ko talagang maranasan ang lahat ng hindi ko pa naranasan.

"Ay! Buti naman at join ka agad, Ate. Kasi wala kaming reyna. Di kasi makauwi si Tita, eh."

Medyo nabigla naman ako sa sinabi ni Michelle kasi ang nasa isip ko ay makikiparada lang ako at hindi maging reyna. "Ngee? Gawin mo pala akong reyna? Eh, paano iyan. Wala akong maisusuot, eh"

"Don't worry, Ate. Ipapasuot ko na lang sa iyo iyong susuotin ng Tita ko. I'm sure, kasya naman iyon sayo, kasi halos magkasing height at halos pareho lang kayo ng katawan. Kaya lang mas maganda ka nga lang." Suhestyon ni Michelle.

Napangiti naman ako dahil sa huling sinabi ni Michelle. Pero syempre, kahit gustong-gusto ko na ngang sumali ay tumingin pa din ako kay Rain na para bang humihingi ako ng approval niya.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon