Chapter Seventeen

9 0 0
                                    

Isang napakaliwanag na ilaw ang bumungad sa akin pero hindi ko ito nakayanan, kaya't pumikit ulit ako.

"Salamat sa Dios!"

Pamilyar sa akin ang boses na narinig ko. Kaya di ako nag-alinlangang buksan ang mga mata ko pero nagtaka naman ako kung bakit puti lahat ang nakikita ko na para bang nasa langit na ako.

"Salamat Panginoon! Nagising na ang anak ko!" Bigkas ulit ng pamilyar na boses.

Hinanap ko kung sino ang nagsasalita at nakita ko sina Mama at Papa —magkatabi silang dalawa at parehong may maluluhang mga mata na tumitingin sa akin. Agad ko ding hinanap si Rain pero hindi ko siya mahagilap. Hindi ko din naman sila magawang tanungin kung nasaan siya, kasi pakiramdam ko parang binugbog ang buong katawan ko. Sobrang sakit iyong nararamdaman ko, lalo na ang bandang dibdib ko. Nanghihina nga ako.

"Ay! Teka lang anak ko. Tatawagin muna namin ang Doctor, ha." Si Papa ang nagsalita.

Mabilis ding dumating ang Doctor at may kasamang dalawang nurse. Agad nila akong sinuri. Narinig ko din na para bang binati nila ako dahil sa matagumpay na operasyon ko. Pagkatapos, may ininject sila sa akin at hindi ko na alam ang kasunod na nangyari, nagkusa na din kasing pumikit ang mga mata ko.

Paggising ko, medyo maayos na ang pakiramdam ko. Naigagalaw ko na nga nang kaunti ang katawan ko. At pinilit ko talaga ang sarili ko ang makapagsalita dahil dahil mas lumamang ang pananabik kong makita si Rain.

"Ma... si Rain?" Utal pa nga ang pagsasalita ko pero buti na lang dahil naitanong ko din ang gusto kong itanong.

Hindi ako sinagot ni Mama sa halip binigyan ako ni Papa ng isang iPad. "Anak, nasa iPad na iyan ang kasagutan ng tanong mo." Sabi ni Papa sa akin.

Naguguluhan ako pero kinuha ko na lang ang iPad at binuksan ito. Bumulaga agad sa paningin ko ang isang video message ni Rain sa akin.

"Welcome back, Mai Summer! Pasensya ka na, kasi hindi mo ako nakita pagkagising mo. At hindi mo din ako makakasama sa journey ng paggaling mo. May importante lang akong rason at sasabihin ko ito kapag ka magaling na magaling ka na. Kaya dapat gumaling ka na agad. Take note! Dapat talaga magaling na magaling ka na. No need to rush just take all the time you need. I love you, Mai Summer and I'll always love you forever."

Dismayado ako pero wala din naman akong magagawa. Hindi ko din naman magawang hanapin si Rain dahil sa hinang-hina pa din naman ang katawan ko. Kaya nga pinasya ko na lamang ang sumunod sa kagustuhan ni Rain —ang magpagaling.

Napag-alaman ko naman na aabutin ng tatlo hanggang anim na buwan ang lubusang paggaling ko at mas mapapadali ito kapag susundin ko lahat ng bilin sa akin. Kaya nga lagi din akong nag eehersisyo para maigalaw-galaw ko ang katawan ko.

Sinusubukan ko na ang maglakad. Minsan kaunting paglalakad lang sa hallway ng ospital. Minsan din  pumupunta ako sa hardin ng ospital. Pero noong minsan na pumunta ako sa hardin, bigla na lang akong napapahawak sa dibdib ko at napapatingala sa langit.

Parang gusto ko lang talaga ang iparating sa lumikha sa akin ang labis-labis kong pasasalamat dahil sa panibagong araw, panibagong buhay at panibagong puso na patitibukin ko.

Ipinagpasalamat ko din ang pagmamahal na ibinigay sa akin ng mga taong nagmamahal sa akin —lalo na ang Mai Rain ko, kasi sila ang dahilan kung bakit hindi ako sumuko at sila ang nagpapalakas sa akin.

At kahit hindi ko man nakita ang taong nagbigay sa akin ng kanyang puso, sobra ang pasasalamat ko sa kanya. Utang ko sa kanyang ang buhay ko, kaya nga, nangako ako nun na pagsisikapan kong mabuhay ng buong-buo.

Naalala ko, marami akong iniisip noong mga oras na iyon nang bigla na lang may kumanta ng Lupang Hinirang. Isang lalaking boses na nagmumula naman sa likuran ko. Lumingon nga ako para tignan kung sino ang kumanta.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon