Chapter Twelve

5 0 0
                                    

Ilang araw na nga ang lumipas.

Medyo natagalan pa din ako sa pagtanggap sa katotohanang..

Wala na nga si Grace.

Nagmumukmok nga lang ako sa kwarto ko at  walang ganang gumalaw. Sunod-sunod din ang mga katanungan sa isipan ko.

Kung bakit kailangan pang kunin ang isang anghel na katulad ni Grace?

Hindi ba pwedeng maranasan niya muna ang mabuhay pa nang matagal?

At tsaka madami naman din sana ang pwedeng mauna sa bata —iyong mga taong puro kasamaan ang pinanggawa sa mundo.

Aynaku! Matatanda na ang mga iyon tas ewan kung bakit puro kasamaan at kasakiman pa din ang naiisip.

Natanong ko nga.

Bakit hinayan ng Diyos na maunang mawala ang mga mababait at inosenteng tao?

Siguro para maproteksyon sila.

Ay! Hindi ko na alam. Basta sure ako na nasa paraiso na ang anghel naming si Grace.

Malungkot lang talaga ako nang sandaling iyon. Parang gusto ko ngang sumigaw ng napakalakas, kaso pinagbawalan naman akong sumigaw. kaya't pinakawalan ko na lang ang malalim kong buntong hininga para kahit papaano mabawasan ko ang kalungkutang nararamdam ko.

"Mai, Tara! Gala tayo." Biglang anyaya ni Rain sa akin.

Kagagaling lang niya sa labas at hindi ko alam kung saan siya pumunta dahil hindi rin naman niya sinasabi sa akin kung saan siya nagpupupunta  at hindi ko na rin siya inuusisa kasi minsan naiintindihan ko ding may sariling buhay din naman si Rain.

"Saan naman tayo papunta?" Takang tanong ko.

Nagseryoso naman siya. "To the moon. Broom-broom..."

Ngumiti ako sa sagot niya. "Baliw ka talaga!"

"Eh di ngumiti ka din!" Komento niya.

"Puro kasi kalokohan iyang pinagsasabi mo."

"Hindi, ah. Seryoso ako. Ipapasyal nga kita. Magbihis ka na." Tugon niya.

Kumunot naman nga noo, nagpagsabihan na kasi ako ng Doctor, na kung maari wag na muna akong lumabas ng ospital.

"Grounded nga ako, diba?"

"Alam ko at grounded ka pa din naman kung hindi nila alam na lalabas ka, diba?" Ayon niya.

Naisip ko naman na tama siya at parang nagustuhan ko din ang idea niya na tumakas kami sa ospital.

"Okey! Go na tayo!" Agad kong tugon kay Rain.

Hindi naman kami nahirapang tumakas dahil sinabi na sa amin nina Hulio at Hunio ang secret exit para sa mga grounded patients na gustong tumakas sa ospital. At pagkalabas din namin, may sasakyan at Driver na naghihintay na sa amin. Humanga nga ako kay Rain kasi naihanda na talaga niya ang lahat.

"Wow, instant!" Biro ko pa nga sa kanya.

"Diba nga, boyscout ako." Nakangiting tugon niya na parang proud din siya sa mga nagawa niya.

"At saan mo naman nakuha ang sasakyan?" Tanong ko out curiosity.

"Eh, di! Nagbook ako. At pwede ba wag ka ngang maraming tanong. Sakay na! Baka makita pa tayo, eh." Sabi niya sa akin.

Mabilis na nga kaming sumakay at umandar din naman ang sinasakyan namin. At buti na lang, pala-kwento ang Driver namin kundi malulungkot talaga ako sa buong biyahe namin —tinulugan kasi ako ni Rain.

Raindrops on SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon